• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-angkat ng 150,000 metriko tonelada ng asukal, may go signal ni PBBM

MAY basbas ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pag-angkat ng asukal na hindi lalagpas sa 150,000 metric tons (MT)  para tugunan ang kakapusan ng suplay at  masawata ang tumataas na presyo nito sa bansa.

 

 

Ayon sa Sugar Order No. 2,  naka-post sa  Sugar Regulatory Administration (SRA) website, kalahati ng kabuuang  import volume, o 75,000 MT, ay ilalaan sa industrial users o mga kompanya na gumagamit ng asukal sa kanilang  manufacturing process, habang ang kalahati ay ibibigay sa mga consumers o sa pamilihan.

 

 

“After due consultation, the Stakeholders of the Sugar Industry have submitted their respective positions and letters of endorsement recognizing the need for an importation program for the crop year 2022 to 2023,” ang kautusan ay tinintahan ni Pangulong Marcos,  Department of Agriculture at mga opisyal ng SRA noong Setyembre  13.

 

 

“After taking into consideration all comments, inputs, and information, the SRA deems it necessary to adopt additional, responsive, and pre-emptive measures to ensure domestic supply and manage sugar prices in order to achieve the foregoing policy declarations through timely government intervention by way of importation in order to maintain a balanced supply and demand of sugar for domestic consumption,” dagdag na pahayag ng SRA.

 

 

Sinabi pa ng SRA  na magsisimula na silang tumanggap ng aplikasyon para sa importasyon ng asukal, tatlong araw matapos na maging epektibo ang naturang kautusan.

 

 

Bago pa ang  Sugar Order No. 2,  nahaharap na sa kontrobersiya ang sugar importation matapos na ipatigil ni Pangulong Marcos ang  Sugar Order No. 4 ng SRA.

 

 

Ang Sugar Order No.4 ay nilagdaan “on President’s behalf” at may mandato na umangkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal sa gitna ng  napipintong kakapusan sa suplay ng asukal.

 

 

Matatandaang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo rin bilang kalihim ng Department of Agriculture.

 

 

Ang nasabing resolusyon na walang pahintulot ng Pangulo ay naka-upload sa website ng SRA.

 

 

Nilinaw ni Cruz-Angeles na hindi pinahihintulutan ng Pangulo ang pag-import ng asukal.

 

 

Sinabi ni Cruz-Angeles na sensitibong bagay ang importasyon lalo na ang mga produktong pang agrikultura kaya kailangan itong balansehin. (Daris Jose)

Other News
  • PUMPING STATIONS NG NAVOTAS 72 NA

    PARA siguradihin na hindi na babahain sakaling may malakas na ulan at bagyo, nagdagdag pa ng pumping stations ang Navotas City, kasunod ng pagpapasinaya sa tatlo pa kung kaya umabot na sa 72 ang pumping station ng lungsod.     Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang blessing at inauguration ceremony […]

  • PBBM, bumuo ng inter-agency body para sa inflation, market outlook

    NAGPALABAS si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ng  executive order (EO) para direktang tugunan ang  inflation at palakasin ang inisyatiba para mapabuti ang ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga Filipino.     Ang EO No. 28, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nito lamang Mayo 26, ay nag-aatas na lumikha ng  Inter-Agency Committee on Inflation […]

  • Trike drivers mabibigyan din ng fuel subsidy

    MAY HIGIT kumulang na 1.2 million na mga drivers ng tricycle ang maaaring mabigyan ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.     Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Ano sa isang panayam.     Inutusan ni Ano ang mga local government units (LGUs) na magbigay ng listahan ng […]