• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-angkat ng 150K metric tons ng asukal, kailangan para matugunan ang posibilidad ng kakulangan – PSA

NAGPALIWANAG ang sugarcane regulatory Administration sa pangangailangang mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa.

 

 

Kahapon nang opisyal na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-angkat muli ng 150,000 metrikong tonalada ng asukal dahil sa posibilidad ng kakulangan sa mga darating na buwan.

 

 

Ayon sa SRA, magkakaroon ng negative ending stock ang bansa ng hanggang sa 552,835 metrikong tonelada pagsapit ng Agosto 2023. Ito ay kasabay na ng pagtatapos ng milling season.

 

 

Kung hindi mag-aangkat ang bansa ng sapat na supply ng asukal, tiyak umanong kukulangin na ang supply nito sa merkado.

 

 

Batay sa pagtaya ng SRA, maaaring abutin lamang sa 2.4 Million metric tons ang local production ngayong taon, na pinapaniwalaang kukulangin para tugunan ang pangangailangan ng mga consumer sa bansa.

 

 

Paliwanag ng SRA, ang 150,000 metriko tonelada ng asukal na aangkatin ay maaaring madamit upang pantustus sa anumang kakulangan ng supply nito sa mga merkado.

Other News
  • Malaysia, nag-alok ng pagsasanay na may kinalaman sa Halal industry, Islamic banking

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpahayag ng intensyon ang Malaysian authorities na sanayin ang kanilang Filipino counterparts sa pagpapatakbo ng Halal industry at Islamic banking.     “Building on our bilateral relations, our governments commit to closely coordinate efforts to build capacity in the Bangsamoro Autonomous Region in southern Philippines, in Muslim Mindanao, […]

  • Kings center Bagley III, nagtamo ng injury sa ensayo

    Nanganganib na matatagalan bago makapaglaro si Sacramento Kings center Marvin Bagley III dahil sa injury.   Nagtamo kasi ito ng injury sa kanang paa noong kasagsagan ng ensayo sa Florida.   Agad na itong sumailalim sa MRI at hinihintay pa ng koponan ang resulta nito.   Ito na ang pangalawang injury ni Bagley dahil noong […]

  • Hirit ng teacher’s group: Kakulangan sa silid-aralan, tugunan

    NANAWAGAN ang isang grupo ng mga guro sa pamahalaan na tugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa. Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairperson Vladimer Quetua, dapat na paglaanan ng pamahalaan ng mas malaking pondo ang sektor ng edukasyon. Binigyang-diin ni Quetua na malaki naman ang pondo para sa ‘Build Better More infrastructure […]