• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAG-APIR, AUTOGRAPH NG NBA PLAYERS BAWAL MUNA

PINAYUHAN ng NBA ang mga player ng liga na iwasan muna ang pag-apir sa fans at pag-autograph sa mga item ng fans para sa kaligtasan ng bawat isa mula sa coronavirus outbreak.

 

Naglahad ng 10 rekomendasyon ang NBA para matiyak na ang kanilang manlalaro ay hindi mahahawa sa COVID-19 at kabilang dito ang pag-iwas na hawakan ang mga ballpen, markers, bola at jerseys mula sa mga nais magpa-autograph na kanilang ibinahagi sa mga team.

 

Ibinahagi rin ng NBA sa mga teams na komukonsulta ang mga ito “with infectious disease experts, including the Centers for Disease Control” at infectious disease researchers sa Columbia University sa New York.
Unang ni-report ng ESPN ang nilalaman ng memo.

 

“We are also in regular communication with each other, NBA teams including team physicians and athletic trainers, other professional sports leagues, and of course, many of you,” bahagi ng memo ng liga para sa mga team, sa kanilang physicians at athletic training staffs.

 

“The coronavirus remains a situation with the potential to change rapidly — the NBA and the Players Association will continue to work with leading experts and team physicians to provide up-to-date information and recommended practices that should be followed to prevent the spread of the coronavirus,” sabi pa sa memo.
Iminungkahi rin ng liga sa mga player na tiyakin na sila ay “are up to date with all routine vaccinations, including the flu vaccine.”

 

Ilan naman sa mga player katulad ni CJ McCollum ng Portland Trailblazers at Bobby Portis ng New York Knicks ay nagbigay paalala na rin para maiwasan ang virus.

 

Tiniyak din ng pamunuan ng NBA na may ugnayan ito sa Centers for Disease Control at sa infectious disease researchers sa Columbia University sa New York.

 

Ito ay para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manlalaro at staffs.

Other News
  • Suspensyon ng Abra gov, vice gov, binigyang katuwiran ni ES Bersamin

    BINIGYANG KATUWIRAN ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang suspensyon laban kina Abra Governor Dominic Valera at kanyang anak na si Vice Governor Maria Jocelyn Valera-Bernos, sabay sabing ang kautusan ay alinsunod sa umiiral na batas at hindi isang arbitrary decisions.     Ang pahayag na ito ni Bersamin ay matapos na ihayag ng pamilya Valera […]

  • PDP-Laban Cusi Wing, tuluyan nang nilaglag si Pacquiao para makasama sa senatorial slate na sasabak sa Eleksyon 2022

    TULUYAN nang nilaglag ng PDP-Laban wing sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Sen. Manny Pacquiao para maikunsidera ito sa Senate slate para sa 2022 elections.    Nauna nang sinabi ng Cusi group na inalok nila si Pacquiao na makasama sa kanilang Senate slate matapos na mapatalsik ito bilang party president at sumunod naman […]

  • Kaya super react ang mga netizen: KYLINE, tila may sagot na tungkol sa pagkakalabuan nila ni MAVY

    TILA mas sagot na si Kyline Alcantara sa lumalabas na tsismis na nagkakalabuan na sila Mavy Legaspi at parang nadadamay pa si Carmina Villrroel.      Bagamat pareho pa silang tahimik sa isyu… May pinost si Kyline tungkol sa pananahimik… “I was taught that keeping quiet kept the peace.  Until I realized, who’s peace is […]