• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-apruba na maamyendahan ang Oil Deregulation Law, malabo sa ilalim ng termino ni PDu30

MALABONG maaprubahan ang panukalang amiyendahan ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Ang katwiran ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. magiging abala na kasi ang mga mambabatas sa mga election-related activities kahit pa matapos na ang halalan sa May 9 at wala ng magiging panahon para aprubahan ang pag-amyenda.

 

 

Nauna rito, tinawagan ng pansin ng Malakanyang ang Kongreso na suriing mabuti ang ilang probisyon ng Oil Deregulation Law habang ang bansa ay patuloy na niyayakap ang epekto ng Ukraine-Russia conflict sa presyo ng langis.

 

 

Hiniling ng Malakanyang sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law sa gitna ng lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at kaguluhan sa Ukraine na pinangangambahang may economic impact sa Pilipinas.

 

 

Ang pagrebisa sa oil deregulation law ay kasama sa medium-term measures na napagkasunduan sa top-level special meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, inaprubahan na ng  House Energy Committee  noong nakaraang Marso ang nasabing batas na naglalayong amiyendahan ang Oil Deregulation Law.

 

 

“The changes proposed under the bill include requiring oil firms to unbundle the cost of petroleum and setting the minimum inventory requirements for fuel products,” ayon sa ulat.

 

 

“We call on Congress to review the oil deregulation law, particularly provisions on unbundling the price…as well as giving the government intervention powers or authority to intervene when there is a spike and/or prolonged increase in prices of oil products,” ayon sa Malakanyang.

 

 

Sa batas na naaprubahan noon pang 1998, inalis ang kapangyarihan ng gobyerno na kontrolin ang mga kumpanya ng langis para mas lumago ang kanilang supply at magkaroon sila ng kalayaan sa pagpi-presyo ng kanilang produkto.

 

 

Nakatakda namang magpatuloy ang sesyon ng Kongreso sa Mayo 23 hanggang Hunyo 3 bago magsimula ang 19th Congress.

 

 

Samantala, inanunsyo ng mga kompanya ng langis na itataas nila ang per-liter rates ng gasolina ng ₱3, diesel ng ₱4.10, at kerosene ng ₱3.50 epektibo alas-6 ng umaga ng Abril 26. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • TRO ng SC sa PhilHealth fund transfer, pinuri ni Bong Go

    PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na humahadlang sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.     “This is one big win for the Filipino people! Sulit ang ating pangungulit!” ani Go sa pagsasabing ang mga […]

  • COVID pandemic: Nasa 3-M manggagawang nawalan ng trabaho, bibigyan ng cash aid – DOLE

    Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 3.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease (COVID) pandemic.   Sa naging panayam kay Labor Secretary Sylvestre Bello III, sinabi niya na karamihan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay galing sa mga restaurant, hotels, transportasyon, clerical […]

  • Ads December 4, 2020