• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-host ng PH sa FIBA Asia Cup qualifiers, kanselado dahil sa travel ban – SBP

Kinansela na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-host ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero dahil sa ipinataw na travel ban ng bansa bunsod ng bagong variant ng COVID-19.

 

 

Nakatakda sanang gawin sa bansa ang mga laro ng Group A at C sa ikatlo at huling window ng qualifiers mula Pebrero 18 hanggang 24 sa Clark, Pampanga.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni SBP president Al Panlilio na batay sa natanggap nilang tugon mula sa National Task Force Against COVID-19, wala raw magiging exemptions sa umiiral na travel restrictions na inanunsyo ng Department of Foreign Affairs.

 

 

“The SBP wanted nothing else than to be with the international basketball communuty as it attempts to bounce back in 2021 after taking a huge hit during the pandemic,” saad ng SBP.

 

 

“We’ve exerted a lot of effort into our hosting of the upcoming Fiba Asia Cup qualifiers and this is why it is with great sadness that we announced it is no longer going to happen.”

 

 

Kaugnay nito, umatras na rin ang Japan sa pag-host ng continental meet dahil sa pagsasara ng kanilang bansa sa mga banyaga bilang pag-iingat sa bagong strain ng virus.

 

 

Agad namang nag-alok ang Doha na i-host ang mga kinanselang laro sa Group B sa pamamagitan ng Qatar Basketball Federation.

 

 

Habang hindi pa tukoy sa ngayon ang bagong venue ng qualifiers ng Group A at C. (REC)

Other News
  • Año in, Carlos out bilang National Security Adviser

    OPISYAL nang nanumpa sa tungkulin si dating DILG Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser.  Sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nanumpa sa kanyang tungkulin si Año sa Palasyo ng Malakanyang. Pinalitan ni  Año si Professor Clarita Carlos na nagdesisyon na ipagpatuloy ang kanyang hangarin na scholastic endeavors nang sumama sya sa  […]

  • Mahigit sa $1 billion investments sa Pinas, inanunsyo ng Kalihim ng US Commerce

    DUMATING na sa Pilipinas si US Commerce Secretary Gina Raimondo bitbit ang magandang balita na mahigit sa $1 bilyong halaga ng investments ang paparating sa bansa mula sa 22 American companies.     Si Raimondo, nangunguna sa high-level Presidential Trade and Investment Mission, nakipagpulong kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Philippine economic team sa kanyang […]

  • Tourist arrival sa Boracay kahit pandemic pa, higit 16-K sa ‘love month;’ pinakamarami mula sa NCR

    Tinatayang 16,487 ang naitalang tourist arrival sa Boracay noong nakaraang buwan na nasa gitna pa rin ng kinakaharap na pandemya.     Batay sa datos mula sa Malay Municipal Tourism Office, 63.36 percent o 10,446 sa kabuuang bilang ng mga nagbakasyon sa isla ay mula sa National Capital Region (NCR).     Sumunod dito ang […]