• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-IBIG Fund, ipinagpaliban ang 2023 contribution hike

IPINAGPALIBAN ng Pag-IBIG Fund ang ikakasa na sanang monthly contribution hike para sa mga miyembro nito ngayong taon.

 

 

Ito’y matapos na opisyal na  aprubahan ng  Pag-IBIG Fund Board of Trustees  ang pagpapaliban sa  contribution hike na ikakasa na sana ng ahensiya para ngayong taon.

 

 

Ang dahilan, patuloy pa ring bumabawi ang mga manggagawa at business owners mula sa pandemya.

 

 

Sinabi ni Secretary Jose Rizalino Acuzar, pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, na nagkaisa  silang aprubahan ang rekomendasyon ng  Pag-IBIG Fund Management  na ipagpaliban ang umento sa  monthly contributions ng mga miyembro nito ngayong taon.

 

 

Pinagtibay ang naunang anunsyo ng ahensiya na ipatupad ang dagdag sa kontribusyon sa Enero ng susunod na taon.

 

 

Kasama rin sa ipinagpaliban ang share ng kanilang mga employer.

 

 

“This is in line with the call of President Ferdinand Marcos Jr. to alleviate the financial burden of our fellow Filipinos due to the prevailing socio-economic challenges brought about by the Covid-19 (coronavirus disease 2019) pandemic,” ani Acuzar.

 

 

Taong 2019, inaprubahan ng mga opisyal ng ahensiya ang pagdaragdag sa  monthly contributions matapos  makuha ang pagsang-ayon ng mga  stakeholders na magpatupad ng planong  contribution increase noong  2021.

 

 

Noong panahon na iyon, nakita ng ahensiya na  mahalaga ang dagdag sa kontribusyon dahil ” it projected that the amount of loans disbursed will eventually outpace the total collections from both loan payments and members’ contributions.”

 

 

Gayunman, kinilala ang epekto ng pandemiya sa mga miyembro at business community, nagdesisyon ang Pag-IBIG Fund  na ipagpaliban sa pangatlong magkasunod na taon  ang dagdag sa contributions rates na nananatiling hindi  nagbabago simula pa noong 1986.

 

 

Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Marilene Acosta  na ang robust fiscal standing at malakas na koleksyon ng ahensiya mula sa mga miyembro nito ang dahilan para mas makaipon  ang ahensiya sa ilalim ng  Regular at MP2 Savings programs, pinapayagan nito na tugunan ang lumalaking  loan demand ng mga miyembro nang walang contribution rate increase ngayong taon.

 

 

“Our strong financial position shall allow us to again postpone the increase in our contribution rates for a year. We are happy to report that even without any increase in our rates, we were able to post record-highs in 2022 with our membership savings collections reaching nearly PHP80 billion, loan payment collections amounting to PHP127.42 billion, short-term loan releases at 57.69 billion and home loan takeout amounting to PHP117.85 billion,” ayon kay Acosta.

 

 

“And, with the continued trust and support of our members, the business community and housing industry partners, we look forward to achieving another banner year for Pag-IBIG Fund in 2023 despite not increasing our contribution rates for the 37th consecutive year,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Ex-Davao City info officer ni Mayor Sara binigyan di umano ng VIP treatment sa drug raid, walang basehan- Roque

    WALANG basehan ang ulat na binigyan ng VIP treatment sa drug raid sa beach party noong nakaraang linggo ang dating information officer ni Davao City Mayor Sara Duterte.   Nauna nang nakumpirma na si Jefry Tupas ay dumalo sa party noong nakaraang linggo subalit umalis ng party bago pa isinagawa ang raid kung saan ay […]

  • P576K halaga ng marijuana nasabat sa Malabon, 4 timbog

    SHOOT sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.       Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Prea Enate, 21, […]

  • Certificate of Eligibility for Lot Allocation, iginawad ng Malabon LGU sa 147 Malabueño

    IGINAWAD ni Mayor Jeannie Sandoval at ng Malabon City Housing and Urban Developing Department (CHUDD) ang Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 147 Malabueño beneficiaries na mga sertipikadong nangungupahan ng mga lupain kung saan nakatayo ang kanilang mga tahanan.     Ang CELA awarding ceremony na ginanap sa Penthouse ng Malabon City Hall […]