• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-IBIG Fund nag-alok ng pinakamababang interest rates sa new borrowers

Nag-alok din ang Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) ng kanilang promotional loans na magbibigay ng mas mababang interest rates sa mga housing loans.

 

Ayon kay Pag-IBIG Fund vice president for public relations and information services Karin-Lei Franco-Garcia ang umaabot sa 4.895% na ibibigay nilang interest rates sa mga bagong borrowers ay hanggang December 2020 lamang.

 

Sinasabing ito na raw ang pinakamababang inalok na interest rates sa kasaysayan ng Pag-IBIG fund.

 

Sa ilalim ng promo, ang 4.985% per annum ay merong one-year repricing period.

 

Ang mga members borrowers ay pwede ring mag-avail ng 5.375% per annum interest rates sa ilalim ng three-year repricing period.

 

“We review our rates regularly and have never repriced it upward under the Duterte administration. Our ever-improving quality of portfolio has allowed us to keep the rates low under our Risk-Based Pricing Model. But this time, we are offering something special. In consideration of the impact of the pandemic on the livelihood of our members, we reduced our home loan rates by as much 100 basis points for the next six months because we want to help members who are thinking of buying a home to take advantage of our lower-than-lowest rates. Even amid the pandemic, now is the best time to buy a home with a Pag-IBIG Housing Loan,” dagdag pang paliwanag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti.

Other News
  • TANGGAPAN NG IMMIGRATION, SARADO PA

    MANANATILING sarado hanggang ngayon (Huwebes) ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila para maipagpatuoy ng mga empleyado ng ahensiya na sasailaim sa rapid anti body test para sa COVID 19 virus.     Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na halos kalahati lamang sa 700 na empleyado ang nakapag-test nitong Lunes at […]

  • 31st SEA Games: Chef De Mission Ramon Fernandez, kinalampag ang IATF para maisabak na sa bubble training mga atleta

    Determinado na si Chef De Mission Ramon Fernandez na masimulan ang pagsasanay ng mga national athlete kahit sa Nobyembre pa ang 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.     Dadaan pa kasi sa ilang hakbang para magawa ito, una ay ang paghingi ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) […]

  • 2 PH golfers swak sa Olympics

    Maaaring dalawang golfers ang pwedeng ipadala ng Pilipinas sa Tokyo Olympics sa susunod na taon kung mapananatili lamang nila ang kanilang pwesto sa rankings, ayon sa secretary-general of the National Golf Association of the Philippines (NGAP). Sinabi ni Valeriano “Bones” Floro of NGAP, halos sigurado na sina  Bianca Pagdanganan at Yuka Saso na makalalaro sa […]