Pag-IBIG, nakapagtala ng all-time high members’ savings na P79.9B para sa taong 2022
- Published on February 6, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG na nakapag-save ang mga miyembro nito ng P79.9 bilyon noong 2022, isang record-high savings ng mga miyembro nito sa isang ‘single year.’
Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG na may P80 bilyong piso ang na-save ng mga miyembro nito noong nakaraang taon, itinuturing na pinakamataas ng ahensiya sa nakalipas na 42 taon.
Lumago ito ng 25% o P16.2 bilyon mula sa P63.7 bilyon na nakolekta noong 2021.
Bahagi ng total savings ay ang Pag-IBIG Regular Savings ng ahensiya, na tumaas ng 6% mula sa P37.71 bilyon noong 2021 hanggang P40.06 bilyon noong 2022.
“The sustained growth in Pag-IBIG Members’ Savings collections has been truly remarkable. It denotes our members’ trust and confidence in our programs, and our capacity to manage each hard-earned peso they have saved with us,” ayon kay Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar, pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
“And, as our collections remain strong, we remain able to finance and maintain the low interest rates of our loan programs. These are among our many efforts in adhering to the call of President Ferdinand Marcos, Jr. towards advancing the welfare of our fellow Filipinos,” ayon kay Acuzar.
Sinabi naman Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, ang MP2 Savings ng ahensiya ay nagpapatuloy para isulong ang paglago ng savings ng mga miyembro nito.
Pinapanatili naman ng voluntary savings program ang paglago noong 2022, habang ang mga miyembro members saved a record-high P39.84 billion in the program, up 53%, or P13.89 billion from the P25.95 billion collected in 2021.
“We are happy that we continue to gain the trust of our members, as shown by the record-high amounts that they have saved with us in 2022, as well as in the past years. This shows their growing appreciation of the value in saving with Pag-IBIG Fund,” ayon kay Acosta.
“That is why we remain committed in responsibly and prudently managing their savings, so that we can provide them the best possible returns,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Biglaang paglabas ng mga tao, ikinabahala
Ikinabahala ng mga awtoridad ang biglaang paglabas ng mga tao habang halos umabot sa ‘pre-pandemic level’ ang bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada makaraang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila. Mismong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang nakapansin sa pagdami ng tao sa mga kalsada, sa […]
-
DOJ: Quiboloy kinasuhan na ng sexual, child abuse, human trafficking sa mga korte
NAGSIMULA na ang legal proceedings sa Davao City Prosecutor’s Office laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo C. Quiboloy at ilang kasamahan. Kasunod na rin ito ng direktiba mula sa resolusyon na “AAA v. Quiboloy et.al.”, na inilabas noong Marso 25, 2024 ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. […]
-
Schedule ng mga miting de avance para sa 2022 presidential bets
ABALANG-ABALA na ngayon ang mga presidential candidates, kanilang running mates, at senatorial slate sa paghahanda sa pagdaraos ng kanilang miting de avance ngayong linggo para pinal na itulak sa mga botante ang kanilang mga sarili at adhikain bago pa sumapit ang halalan sa Lunes, Mayo 9. Sa katunayan inilihis ng tambalang Senador Panfilo […]