• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-imprenta ng balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, uumpisahan na

NAKATAKDA nang umpisahan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw, September 20  ang pag-imprenta ng official ballots para sa isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Disyembre.

 

 

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, ang isang buwang schedule para sa printing job ay dapat na raw matapos sa October 20 kahit nakabinbin pa ang desisyon sa pagpapaliban ng halalan sa susunod na taon.

 

 

Maging ang pagbili daw ng mga kagamitan para sa halalan ay unti-unti na nilang naibibigay ang award at kapag ito ay nai-deliver na ay isa-isa na rin itong babayaran.

 

 

Una rito, sinabi ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na ang mga suplay na gagamitin sa halalan sa Disyembre ay hindi naman daw masasayang kahit na ipagpaliban pa ang halalan.

 

 

Paliwanag ng opisyal na puwede namang pansamtalang itago ng poll body ang mga materials at printed ballots at gamitin na lamang kapag tuloy na ang halalan.

 

 

Kung maalala, mayroong Senate bill na naglalayong ipagpaliban ang barangay at SK elections sa ikalawang Lunes sa buwan ng Disyembre sa susunod na taon.

 

 

Sa panig naman ng House of Representatives, aprubado na sa ikalawang pagbasa ang counterpart measure ng layong ipagpaliban ang halalan ng isang taon. (Daris Jose)

Other News
  • DA at DOLE kapit-bisig para sa Kadiwa ng Pangulo

    LUMAGDA sa isang memorandum of understan­ding sina Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. at Labor Sec. Bienvenido Laguesma para palakasin pa ang Kadiwa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.       Sinabi ni Laurel na sa ilalim ng kasunduan ay magbibigay ang DOLE ng manpower para naman mapalawak pa o maparami pa ang Kadiwa Centers […]

  • Japanese tennis star Naomi Osaka nanguna sa highest paid athletes ng Forbes

    KINILALA ng Forbes magazines bilang world’s highest-paid femaile athletes si Japanese tennis star Naomi Osaka.     Mayroong $57.3 milyon mula sa kaniyang prize money at endorsement ang kaniiyang nalikom noong nakaraang taon.     Ang listahan ay inilabas isang taon mula ng umatras si Osaka mula sa French Open para mag-focus sa kaniyang mental […]

  • Hindi aatras ang Philippine ships sa WPS, patayin man ng China

    MATAPOS kuyugin ng iba’t ibang kritisismo ang kanyang campaign promise para sa mga mangingisda sa pinagtatalunang West Philippine Sea ay “joke”, binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Beijing na hindi niya iaatras ang Philippine ships mula sa pinagtatalunang katubigan kahit mapatay pa siya ng China.   Sa Talk To The People ni Pangulong Duterte, […]