• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-lockdown sa Maynila dahil sa COVID-19, premature-DoH

PREMATURE pa kung ituring ng Department of Health (DoH) kung kailangan nang i-lockdown ang Maynila matapos na mapaulat na di umano’y mayroon nang sampung bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kabuuan ay 20 katao na ang tinamaan ng virus.

 

Sa Laging Handa briefings a New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III ay sinabi nito na kabilang sa protocol ang pag-lockdown sa Maynila.

 

Subalit, iyon nga lamang ay premature pa kung gagawin na kaagad ito ngayon ng pamahalaan.

 

Makabubuting maghintay muna hanggang ang mga ebidensiya na mayroong community transmission at ito ang magiging dahilan para isailalim sa community lockdown o community quarantine na isa sa mga intervention na sumasalamin sa kanilang protocol para sa kanilang four-door responsed strategy.

 

Mayroon ding opsyon na isuspinde ang klase at trabaho, at siguraduhing mayroong pagdating sa paghahanda sa panig ng apektadong rehiyon, LGUs at uniformed personnel ng military at PNP para tulungan at local chief executives, local health officials sa apektadong komunidad.

 

“These are some of the options being considered but it might be premature at this point,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang banda, kailangan naman aniyang igalang ang desisyon ng local chief executive para suspendihin ang klase at iyon ay kailangang sundin.

 

Samantala, walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para magsuspinde ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ngayon. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, wala ring magiging pagbabago sa mga nakatakdang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pagdami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

 

Hinikayat naman nito ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang mga kapwa mga employers at manggagawa na magkaroon ng bukas na komunikasyon at kasunduan para sa alternatibong paraan ng pagtatrabaho.
Ito anila ay upang maiwasan o mabawasan ang panganib ng mga manggagawa na malantad sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • LeBron James muling ininda ang injury kaya ‘di makakapaglaro vs sa Nuggets

    Hindi makakapaglaro si Los Angeles Lakers star LeBron James sa laban nila ng Denver Nuggets ngayong Martes May 4 dahil sa right ankle injury.     Natamo nito ang injury noon pang Marso 20 at hindi nakapaglaro ng 20 games.     Nagbalik ito sa paglalaro nitong Biyernes kung saan magkasunod silang natalo ng Sacramento […]

  • ‘Old-style Ginebra’ armas ni Cone sa semis vs Bolts

    Sa kanilang pagpasok sa semifinal round ay inasahang muling maglalaro ang Barangay Ginebra sa tinatawag ni head coach Tim Cone na ‘old-style Ginebra basketball’.   Ito ang ginamit ni Cone sa 81-73 pagsibak ng No. 1 Gin Kings sa No. 8 Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang quarterfinals match sa 2020 PBA Philippine Cup. […]

  • 95,300 katao nasalanta ni ‘Amang’ — NDRRMC

    HALOS 100,000 katao na ang naapektuhan ng nagdaang bagyong Ämang”sa sari-saring parte ng Pilipinas, bagay na nag-iwan ng milyun-milyong pinsala at mga residente sa evacuation centers.     Sa huling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Biyernes, pumalo na sa 95,337 katao na ang naapektuhan ng naturang sama ng panahon:   Apektadong […]