Pag-review sa K-12 program sa PH, suportado ng sektor ng mga guro
- Published on June 25, 2022
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ng sektor ng mga guro sa bansa ang panawagang busisiin ang K-12 program para ganap na matugunan ang mga probema dito.
Ayon kay ACT Teachers party-list lawmaker France Castro, maghahain muli ito ng isang resolution sa 19th Congress na hihikayat sa House of Representatives na magsagawa ng pagsisiyasat partikular na sa ilang nakitang problema sa implementasyon ng programa at iginiit na napapanahon na para pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang matagal ng mga suliranin sa edukasyon.
Hinikayat din ng mambabatas si incoming Education Secretary at VP-elect Sara Duterte-Carpio na pakinggan ang hinaing ng publiko na tignan ang realidad at epekto ng mababang pondo, mababang sahod at kakulangan bunsod ng ipinapatupad na enhanced basic education program.
Aniya, ang mga kakulangang ito ay hindi lamang sa mga pasilidad at learning materials kundi maging ang suporta para sa sapat na sahod at benepisyo para sa mga guro at nonteching personnel na pangunahing apektado sa kalidad ng edukasyon sa bansa.
Iginiit din ng mambabatas na sa ilalim ng K-12 program hindi aniya napataas ang antas ng basic education curriculum subalit napahaba lamang aniya nito ng dalawang taon ang sekondarya at nagpadagdag sa mga aralin ng mga estudyante kung saan marami ang napag-iwanan.
-
Gilas Pilipinas natuldukan ang ’33-year reign’ matapos payukuin ng Indonesia
BIGONG madepensahan ng Gilas Pilipinas ang kanilang korona matapos masilat ng bansang Indonesia sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam. Natalo ang Gilas sa score na 85-81 sa larong isinagawa sa Thanh Trì District Sporting Hall. Dahil dito, natuldukan na ang streak ng bansa na 13-consecutive gold medals sa […]
-
Sa pagiging role model sa mga kabataan sa buong mundo: LEA, tinanghal na 2022 Time Magazine Impact Awardee
Ang Philippines’ Pride na si Lea Salonga ang tinanghal na 2022 Time Magazine Impact Awardee for inspiring children of color around the world. Ang Broadway Superstar at Disney Princess ay kabilang sa mga pararangalan ngayong taon ng TIME100 Impact Awards na kumikilala sa mga pandaigdigang lider at visionaries na higit na sumulong sa kani-kanilang […]
-
LIMA KATAO INARESTO SA ABORTION
LIMANG katao ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-oopera sa isang abortion clinic sa Cebu City. Kinilala ang mga naaresto ni NBI OIC – Director Eric B. Distor na sina Joey Paulino Guirigay ; Francisca Abatayo Rebamonte; Gloria Dalogdog Gabuti; Meryteissie Pode Rural at Amparo Lumagbas […]