• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-upgrade sa flight systems kailangang ng ilang bilyong pondo para hindi na maulit ang aberya sa NAIA – DOTr

POSIBLENG aabot pa sa tatlong araw bago tuluyang maka-recover ang flight operations.
Kasunod ito naganap na technical issues sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC) dakong 9:50 am kung saan naapektuhan ang nasa 56,000 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ng mga transport officials na ilang bilyong pesos ang kailangan para sa upgrades para hindi na maulit ang nasabing technical issues.
Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Manuel Tamayo na bumigay ang kanilang uninterruptible power supplies (UPS) sa umaga ng Linggo at kanila itong inaayos.
Aminado ito na luma a ang nasabing UPS at hindi rin aniya nila matiyak kung mauulit pa ang naturang insidente dahil ito ay nabili noon pang 2018.
May inilaan na sila aniya ng P124 milyon na budget para sa pag-upgrade ngayong 2023 ng nasabing sistem.
Pagtitiyak din ni Tamayo na dadalasan na nila ang monitoring ng sistema na ito ay magiging araw-araw na lamang.
Ayon naman kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na bagamat pansamantalang nakabalik ang sistema dakong alas-4 ng hapon kaya tumanggap na sila ng arrival at departing.
Paliwanag pa ng kalihim na ang kasalukuyang system ay unang ipinakilala noong 2010 at ito ay naimplementa noong 2018 na nagkakahalaga ng P13 Bilyon.
Maari pang gamitin aniya ito subalit kailangan ng ma-upgrade.
Inabisuhan na rin niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung saan pinapabilis nito ang paggawa o pagkakaroon ng backup system.
Sa panig naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong na may pag-uusap ng ginawa sa mga flight carriers para sa additional fligths para makadala ng mas maraming pasahero.
Magiging bukas na rin ng 24 oras ang runway ng NAIA para sa dagdag na mga flights. (Daris Jose)
Other News
  • Sara Duterte nagbitiw sa ‘Hugpong’ sumali sa partidong Lakas- CMD

    Ilang araw bago ang deadline ng election substitution sa ika-15 ng Nobyembre, naghain na ng kanyang resignation si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio mula sa kanilang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).     Kinumpirma ng HNP ang balita sa pamamagitan ng kanilang secretary general na si Anthony del Rosario sa isang pahayag, Huwebes. […]

  • Kaya iba ang atake bilang Monique: BARBIE, aminadong ‘di kayang pantayan ang pagganap ni SHARON

    AMINADO si Barbie Forteza na hindi niya mapapantayan ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagganap nito sa pelikulang “Maging Sino Ka Man,” na kanilang gagawin sa telebisyon ni David Licauco. Ayon pa kay Barbie ay iba ang kaniyang magiging atake bilang si Monique, na iba sa ginawa ni Sharon sa pelikula.     “Hindi […]

  • Valenzuela LGU pinasinayaan ang bagong boardwalk, inilunsad ang unang walkathon

    BINUKSAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang “The Valenzuela Boardwalk”; isang 1.3 km ang haba na floodwall na may linear park at bike trail na sumasaklaw sa mga Barangay ng Coloong, Tagalag, at Wawang Pulo na layunin nito na magtaguyod ng malusog na pamumuhay para sa mga Valenzuelano     Ang Valenzuela Boardwalk, ay […]