• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGAWAAN NG SIGARILYO SA BANSA, ISANG MODEL WORKPLACE

ANG  pasilidad ng mga malalaking pagawaan ng sigarilyo  sa bansa ay model workplace sa panahon ng pandemya, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng kanyang pagbisita sa isang malaking planta ng sigarilyo.

Sa kanyang pagbisita sa planta ng Phlip Morris Fortune Tobacco Co kahapon, pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang multinational firm para sa mahigpit na pagsunod nito sa safety health protocols na hinihiling ng pamahalaan upang makontrol ang pagkalat ng Covid-19.

“The chances of transmission of the virus within this facility is low. It is heavily protected by safety and health protocols,” ayon sa kalihim.

Habang inililibot ni  Philip Morris International (PMI) Director for Operations Joao Brigido ang kalihim sa PMFTC complex, napahanga ang kalihim  sa mahigpit na pagpapatupad  ng physical distancing pati na ang pagsusuot ng mga face masks at shields.

Napansin din ng kalihim ang pagkakaroon ng maraming disinfectants gaya ng alcohol na madaling ma-access ng mga mangagagawa sa strategic locations  ng pasilidad.

“It only shows the utmost sincerity of PMFTC to work with government in protecting Filipinos at workplaces,”

“I am truly glad that PMFTC has become a partner of the government in fighting CoVid 19. By promoting safety at workplace, they stay in business and preserve employment for our countrymen,” dagdag pa ni Bello.

Napag-alaman na ang pasilidad ng pagawaan ng sigarilyo ay mayroong 1,200 manggagawa.

Kasamang bumisita ni Bello ay ang chairman ng Commission in Higher Education na si Prospero de Vera na kabilang din  Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team at Marikina Mayor Marcelino Teodoro na tinalakay ang kamang-manghang kampanya ng lungsod laban sa outbreak.

Sinabi naman ng kalihim ang pangangailangan para mas mahigpit na pagtalima sa safety and helath protocol sa mga lugar ng trabaho.

“My only request from employers and workers is that they follow the guidelines of the government in fighting Covid 19.  We can defeat the virus if we fight as one,” dagdag pa ng kalim. (GENE ADSUARA)

Other News
  • China warships, nilabag ang NOTAM habang isinasagawa ang PH-US-France WPS exercise -Balikatan executive agent Colonel Michael Logico

    NILABAG ng Chinese warships ang notice to mariners (NOTAM) matapos mamataan habang isinasagawa ang maritime exercise ng naval forces ng Pilipinas, Estados Unidos at France sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni Balikatan executive agent Colonel Michael Logico na ang report ay ipadadala sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) para sa […]

  • Malakanyang, binalaan ang mga pasaway na pulis na ginagamit ang baril sa pagsalubong ng Bagong Taon

    NANAWAGAN ang Malakanyang at binalaan ang mga pasaway na pulis na itago na lamang ang kanilang baril at huwag tangkain na gamitin bilang pagpasalubong sa pagpasok ng Bagong Taon. “Eh kung pinagbabawal po ang karamihan sa mga paputok eh bakit naman gagamitin ang baril. ang bala ng gobyerno po ay ara sa pagpapatupad lamang ng […]

  • EJ balik-training sa Oktubre

    “Vitaly said this is going to be my last time going here before Paris. He already planned the things we need to do,” sabi ni O­biena sa kanyang courtesy call kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala.     Huling narito sa bansa ang Pinoy pole vaulter ay noong 2019 kung saan niya dinomina […]