• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbaba ng COVID-19 cases dahil sa malawakang vaccination – OCTA

Kumpiyansa ang OCTA Research Group na ang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 cases sa bansa ay dulot nang malawakang vaccination program na isinasagawa ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, sa ngayon ang reproduction number ng Pilipinas ay nasa 0.52 na lamang, na indikasyong nagkakaroon ng pagbagal ng hawaan ng virus.

 

 

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga tao na maaaring mahawaan ng isang pasyente ng COVID.

 

 

Sinabi rin ni David na ang average daily infections sa buong bansa ay nabawasan din ng 35% o naging 4,500 mula sa dating 8,400 noong nakaraang linggo.

 

 

Inihayag pa ng eksperto na dahil marami nang protektado, wala nang masyadong makapitan ang virus, lalo na sa Metro Manila, na ang daily average ay nasa less than 1,000 na lamang sa ngayon.

 

 

“Ang kinakapitan nito ay mga unvaccinated or ’yung mga vaccinated na may comorbidity or ’di masyado nakakagawa ng antibodies ang katawan nila kaya sila nakakakuha ng virus,” dagdag pa ni David.

 

 

Sa ngayon aniya ay hindi pa sila nakakita ng spike ng kaso sa NCR sa ilalim ng Alert Level 3 ngunit hindi aniya ito dahilan upang magpabaya na ang lahat. (Daris Jose)

Other News
  • DILG, LLP umapela sa Senado na ibalik ang tinapyas na P28.1-B BDP fund

    KAPWA umapela sa Senado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at League of Provinces of the Philippines (LPP) na ibalik ang tinapyas na P28.1 bilyong pondo ng Barangay Development Program (BDP) para sa New People’s Army (NPA)-cleared barangays na ipinanukala ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022 […]

  • Para mapagaan ang entry of investments sa Pinas: PBBM, gusto agad na tugunan ng DTI ang ‘pain points’

    NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.  sa  Department of Trade and Industry (DTI) para tugunan ang hamon sa  pagpasok ng investments sa Pilipinas.     Ito na kasi ang tamang  panahon para maglagay o magtayo ng green lanes para rito.     “Malinaw po ang instruction ng Presidente – he wants an all-of-government approach […]

  • Sunod na BIR chief ‘kokolektahin pa rin’ estate tax ng Marcoses

    NANGAKO ang susunod na commissioner ng Bureau of Internal Revenue na kokolektahin pa rin nila ang tinatayang P203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos na hindi pa rin bayad kahit sa ilalim ng administrasyon ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. — aniya, kailangan nilang maging “good example.”     Ito ang banggit ni Lilia Guillermo sa […]