• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabago sa ‘flexible learning scheme’ kailangang maipatupad sa susunod na academic year

NAIS ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) na dapat maipatupad na sa susunod na academic year ang anumang pagbabago sa patakaran sa flexible o hybrid learning.

 

 

Ito ay may kaugnayan sa kautusan ng Commission on Higher Education (CHED) para sa mga higher education institutions (HEIs) na magpatibay ng buong face-to-face classes o mag-alok ng hybrid learning sa ikalawang semestre ng kasalukuyang school year.

 

 

Ayon kay Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) spokesperson Noel Estrada masyadong maiksi na ang panahon para ipatupad ang kautusan sa second semester.

 

 

Magugunitang, noong Miyerkules, inilabas ni CHED Chairman Prospero de Vera III ang Memorandum Order No. 16, na nagpapahintulot na “ang disposisyon tungo sa paglipat sa ligtas na pagbabalik sa mga physical campuses at pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan ay batayan bilang resulta ng mga hakbang sa pagbawi mula sa epekto ng COVID-19 .”

 

 

Para naman sa grupo, sinabi ni Estrada, ang mga natamo sa paggamit ng digital learning platforms ay hindi dapat isakripisyo sa pagsisikap na matupad ang pinakabagong order ng Commission on Higher Education (CHED).

 

 

Ang Memorandum Order No. 16 ay nag-utos din na ang mga kurso sa laboratoryo, on-the-job training (OJT), at mga aktibidad ng National Service Training Program ay dapat ding isagawa pangunahin sa lugar. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa taglay na class at sophistication: HEART, makikipag-collab naman sa isang Italian luxury brand

    MAY bagong collaboration si Heart Evangelista at ito ay ang Italian luxury brand na Fornasetti.       Sa pinost na video ni Heart on Instagram, makikita siya sa Casa Fornasetti at nilagyan niya ito ng caption na: “A magical place where imagination meets design and an alluring world full of art and decor.”   […]

  • DOTr: Paggamit ng automated fare collection system sa lahat ng transport systems pinagaaralan

    PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) ang paggamit ng automated fare collection system (AFCS) sa lahat ng pampublikong transportasyon.       Tinatayang gagastos ang pamahalaan ng P4.5 billion para sa proyektong nasabi kung saan ang mga pasahero sa mga buses, jeepneys at lahat ng rail lines kasama na rin ang air services ay maaaring […]

  • Hoping na madagdagan para mas marami ang makapanood: MIGUEL at YSABEL, parehong nalungkot na konti lang sinehan ng ‘Firefly’

    ISANG isyu tungkol sa ‘Firefly’ ay ang pagkakaroon ng kakaunting sinehan na pinagpapalabasan nito ngayong Pasko.     Ano ang masasabi ni Ysabel Ortega tungkol dito?     Lahad ni Ysabel, “Of course we’re hoping na as the days go by mas dumami ang sinehan kasi naniniwala po talaga kami sa pelikula.     “And […]