Pagbabago sa presyuhan ng asukal sa World Market, posibleng maramdaman ng PH
- Published on August 23, 2023
- by @peoplesbalita
MAAARING maramdaman din ng mga Pilipino ang epekto ng pagtaas ng presyo ng asukal sa pandaigdigang merkado.
Batay kasi sa prediksyon ng ilang mga international think tank, maaaring tataas ang presyo ng asukal sa ibat ibang bahagi ng mundo, dahil sa El Nino phenomenon.
Katwiran ng mga firm, ang El Nino phenomenon ay maaaring magdulot ng mababang produksyon ng asukal sa malaking bahagi ng Asiya, kasama na ang Thailand.
Ang Thailand naman ang pangunahing pinagbibilhan ng Pilipinas ng mga produktong asukal.
Kahit pa hindi regular na umaangkat ang Pilipinas ng asukal at bumibili lamang ito kung kinakailangan, maaaring maramdaman pa rin ng Pilipinas ang impact nito, dahil sa bultuhan naman kung bumili ang bansa.
Nauna na rito ang pagtaas ng presyo ng asukal simula pa noong 2019.
-
Sa gitna ng usapin sa WPS: PBBM, umaasa na tutulungan ng Czech ang Pinas para gawing modernisado ang AFP
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ng Czech Republic ang Pilipinas na gawing modernisado ang military nito sa gitna ng usapin sa West Philippine Sea (WPS). Ipinahayag ito ng Pangulo sa kanyang joint press conference kasama si Czech President Petr Pavel nang uriratin ukol sa ‘defense cooperation’ sa pagitan ng dalawang bansa. ”We […]
-
PNP, nagbabala ng mas mabigat na parusa sa mga gagamit ng pekeng vaccine cards
NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay ng paggamit ng pekeng vaccination card at ang pagpuslit sa mga border control. Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, haharap sa mas mabigat na parusa ang mga mahuhuling lalabag sa naturang panuntunan ng ating pamahalaan kabilang na riyan ang pagkakakulong. […]
-
Ads June 27, 2023