• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group list kasama ang media, kasado na sa Hunyo

SA DARATING na buwan ng Hunyo nakatakda ang pagbabakuna laban sa covid 19 sa mga nasa A4 category kung saan kasama ang media.

 

“Well, ang A4 po inaasahan natin as soon as vaccines are available, mga Hunyo magsisimula na tayo,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sa kasalukuyan ay nasa hanay pa ng mga senior citizen at mga may commorbidities ang nakasalang sa vaccination program ng gobyerno kung saan pasok sana si Sec. Roque.

 

Subalit sinabi ni Sec.Roque na hindi pa muna siya magpapabakuna dahil susulitin niya ang anti- bodies na mayroon siya.

 

Masasayang lang ani Roque ang bakuna habang mayroon pa siyang antibodies kaya’t hihintayin niya aniya ang kaunting panahon para siyay sumalang sa bakuna.

 

“Ako po, kakagaling ko lang sa COVID ‘no so marami pa po akong antibodies ngayon ‘no. Pero magpapasukat po ako ng antibodies at ang sabi naman nila mga 90 days po nitong antibodies natin.

 

So habang marami pa akong antibodies, masasayang lang iyong aking bakuna ‘no, so antayin ko muna po siguro ang kaunting panahon,” lahad nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • DOTr sa digital driver’s license ng LTO: ‘Eh pwede ba ipakita sa enforcer ‘yan?

    KAILANGAN pa raw pag-aaral nang husto bago igulong ang planong “digital driver’s license” ng Land Transportation Office — posibleng pagmulan daw kasi ito ng problema kung hindi maipapatupad nang maayos, ayon sa Department of Transportation.     Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ibunyag ng LTO ang plano nitong maglunsad ng electronic version ng […]

  • Halos 2-K kaso ng COVID-19, naitala ng DoH

    NAKAPAGTALA ngayon ang Department of Health (DoH) ng karagdagag 1,936 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) .     Ito na ang pinakamataas na bagong bilang g bagong kaso sa loob ng isang araw kasunod nang naitalang 2,232 noong February 18.     Ayon sa DoH, sa ngayon ay umakyat pa ang active […]

  • ‘Inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. gagawin sa National Museum’

    SA MAKASAYSAYANG National Museum of the Philippines inaasahang gaganapin ang panunumpa sa tungkulin ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa sa darating na Hunyo 30, 2022.     Dating kilala bilang Old Legislative Building, dito rin ginanap ang panunumpa sa tungkulin ng mga dating pangulo noon gaya nina Manuel L. Quezon […]