• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabalik ng ‘in person classes’ malaking tagumpay vs COVID-19 – VP Sara Duterte

TINAWAG ni Vice president at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio na “malaking tagumpay” para sa mga kabataang Pilipino ang pagsisimula ng in-person classes, Agosto 22.

 

 

Pinangunahan ng bise presidente ng bansa ang National School Opening Day Program nitong Lunes sa Dinalupihan Elementary School sa Bataan.

 

 

Sa kanyang talumpati, sinabi rito na buong tapang na ginawa ng DepEd ang muling pagbukas ng in-person classes sa kabila ng mga hamon at takot na dala ng COVID-19 pandemic.

 

 

Iginiit nito na narinig niya ang panawagan ng ilang organisasyon na suspendihin ang klase sa Septembre o Oktubre ngunit nilinaw nito na priority nila ang kinabukasan ng mga kabataang Pilipino.

 

 

Dagdag pa ng bise presidente at kalihim ng edukasyon na naniniwala siyang makukuha lamang ang de-kalidad na edukasyon kapag ibalik na ang in-person classes.

 

 

“Ang makakapagpabago sa buhay ninyo ay ang determinasyon ninyong magtagumpay,” ani VP Sara.

 

 

Nauna nang iniulat ng kagawaran na walang mga major challenges na na-encounter ang mga paaralan sa pagsisimula ng unang araw ng in-person classes ngayong araw.

 

 

Naging mapayapa at ligtas ang pagbubukas ng School Year ‎2022-2023.

 

 

Lahat aniya ng mga mag-aaral ay nakasuot ng kanilang mga face masks, at ang kanilang mga temperatura ay sinusuri.

 

 

Batay sa datos ng DepEd, 27.8 milyong mag-aaral, na mula sa pribado at pampublikong paaralan, ang nag-enrol para sa akademikong taon na ito

 

 

Inaasahan namang tataas pa ang naturang bilang.

 

 

Samantala, ang sektor ng edukasyon pa rin ang may pinakamalaking bahagi sa panukalang 2023 national budget na may P852.8 bilyon.

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang pagtutuunan ng pansin sa social services sector ay ang pangangalaga sa kalusugan at ang ligtas na muling pagbubukas ng mga harapang klase — kaya ang malaking badyet para sa sektor ng edukasyon.

 

 

Ang iminungkahing badyet para sa sektor ng edukasyon — na binubuo ng Department of Education (DepEd), state university and colleges (SUCs), Commission on Higher Education (Ched), Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) — ay mas mataas kaysa sa inaprubahan noong 2022 General Appropriations Act na nasa P788.5 bilyon. (Daris Jose)

Other News
  • 5 sabungero arestado sa tupada

    LIMANG indibidwal ang arestado matapos maaktuhan ng pulisya na nagsasabong sa isang ilegal na tupada sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.   Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) ng isang text message mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) tactical operation command hinggil […]

  • Infra program ng administrasyong Marcos: Nabawasan, naging P8.2 trillion na lang

    PUMALO na lamang sa P8.2 trillion mula sa P9 trillion ang kabuuang investment cost ng infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyong Marcos matapos na linisin at walisin  ng economic team ang inulit lamang na proyekto.     Kabilang dito ang sinimulan sa ilalim sa nakalipas na administrasyon.     “The total investment value, we used […]

  • Mga Pilipino na walang trabaho noong Nobyembre, bumaba sa 2.18-M – Philippine Statistics Authority

    BAHAGYANG  bumaba ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong buwan ng Nobyembre ng nakalipas na taon.     Base sa ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) nakapagtala ng 2.18 million Pilipino ang unemployed sa nasabing period.     Ito mas mababa kumpara sa naitalang tinatayang 2.24 million noong Oktubre 2022.     […]