Pagbabayad sa kuryente, tubig, unti-untiin
- Published on May 4, 2021
- by @peoplesbalita
Kapwa nagpaalala ang mga pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) at ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa kanilang mga konsyumer na kung kakayanin ay unti-untiin na nilang bayaran ang kanilang mga nakonsumong kuryente at tubig upang hindi magkapatung-patong ang kanilang bayarin.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, “Kung meron namang kakayahan na i-settle o bayaran ang electric bill that is very welcome kasi kailangang isaalang-alang na nagamit na po ‘yang kuryente.”
Aniya, inaasahan na rin ng Meralco na hahaba muli ang pila sa kanilang mga sangay kapag nagsimula ang putulan dahil marami muli ang makikiusap na uunti-untiin ang pagbabayad.
Samantala, ayon naman sa MWSS, kung hindi kayang bayaran ng isang bagsakan dahil kulang sa pera ay maaaring pumunta sa Maynilad o Manila Water para makiusap na hatiin o gawing installment ang bayad.
“Puwede po nilang i-appeal ang desisyon ng Maynilad at Manila Water at iakyat po sa amin. Ang concern natin is ayaw natin na lumaki nang sobra ang water bill mo na mahihirapan ka talagang mabayaran,” paliwanag naman ni MWSS chief regulator Patrick Ty.
-
Kaabang-abang ang pagsasama nila Coco: ALDEN, napagod na sa isyung pinagdududahan ang kanyang pagkalalaki
SA recent vlog ni Toni Gonzaga na may titulonh “What Alden Is Tired Hearing About,” hinahayaan na lang ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards kung ano ang gustong isipin ng mga tao tungkol sa kanya. Ayaw na ngang pansinin ng Kapuso actor ang isyu na patuloy na pinagdududahan ang kanyang gender identity dahil […]
-
Tracy Maureen, nakapasok sa Top 13… Karolina Bielawska ng Poland, kinoronahan bilang Miss World 2021
KINORONAHAN bilang Miss World 2021 si Miss Poland Karolina Bielawska. Ginanap ang Miss World 2021 sa Coca-Cola Music Hall in San Juan, Puerto Rico. Tinalo ng Polish beauty sa grand coronation night ang 39 candidates na nagmula sa iba’t ibang bansa. Ang 1st Runner-Up ay si Miss USA Shree […]
-
CINE EUROPA IS SCREENING 19 FILMS ONLINE UNTIL NOVEMBER 29!
CINE Europa, Europe’s biggest and most exciting film festival is now back in the Philippines from 31 October to 29 November. The pandemic is not about to stop the film festival but in effect has provided an occasion to turn a challenge into an opportunity. This year, Cine Europa brings 19 films from […]