Pagbagsak ng katawan ni ALDEN, inalmahan ng fans dahil nagmukhang matanda
- Published on August 18, 2021
- by @peoplesbalita
NAG–WORRY ang mga fans ni Alden Richards sa recent photo na pinost niya habang nasa gym dahil kitang parang bumagsak ang kanyang katawan at hindi raw bagay dito ang ganoong kapayat.
Comment ng mga fans, hindi raw sila nasanay na makitang ganoon siya, at nagmukhang matanda sa picture.
Wala raw naman dapat ikabahala ang mga fans dahil maayos ang pagpapapayat niyang ginawa, dahil may trainer siya at kung hanggang saan lamang siya pwedeng pumayat. Transformation ito ng character niya bilang si Louie Asuncion sa GMA Telebabad series niyang The World Between Us. Nasa chapter two na ang story ng serye na this time ay hindi na siya teenager sa story at mas seryoso na ang character niya. Haharapin na niya ang mga characters nina Brian (Tom Rodriguez) at Eric (Sid Lucero) dahil kay Lia (Jasmine Curtis-Smith).
Naka-taping break ngayon si Alden at ang cast ng serye pero muli silang babalik sa lock-in taping pagkatapos ng ECQ sa NCR.
Patuloy namang napapanood ang serye gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.
***
NAGKAROON na ng virtual story conference last Monday, August 16, at tuloy na ang pagtatambal ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado at Viva Artist talent Xian Lim, sa upcoming GMA primetime series na Love. Die. Repeat.
Present si Zian sa zoom storycon at nag-post si Jennylyn sa kanyang Instagram ng: “Storycon in my pajamas because why not? Love. Die. Repeat. Coming to you bessies real soon!”
Kasama sa cast sina Mike Tan, Gardo Versoza, Valerie Concepcion, Shyr Valdez at Kim Domingo. May request naman ang mga fans kay Mike na magpa-trim na raw ng buhok, dahil dalawang serye na ang ginawa niya at mga TV guestings, na mahaba ang buhok niya.
Nag-post naman si Jennylyn sa kanyang Ig ng pagbati sa anak niyang si Alex Jazz na isa nang teen-ager nang mag-celebrate ng kanyang 13th birthday recently.
***
NASA New York pa rin si Kapuso actress Heart Evangelista at sunud-sunod ang postings niya sa kanyang social media ng mga ginagawa niya habang naroon. Isa sa latest Instagram post ni Heart ay ang pag-recreate niya ng iconic scene from the classic film Breakfast at Tiffany, ni Audrey Hepburn, pero nilagyan niya ito ng sariling comical touch.
She shared a short clip nito na nakasuot din siya ng black dress habang nakatayo siya sa harap ng famous jewelry store in New York City habang pini-play ang “Moon River” sa background.
As Holly Golinghtly in the movie, may suot ding gloves at sunglasses si Heart while holding her breakfast. Iyon nga lamang habang umiinom siya ng coffee, hindi siya uminom sa cup kundi diretso mula sa coffee jar.
Kinatuwaan ito ng mga netizens at within the day na pinost ni Heart, nakakuha agad ito ng 900,000 views. Madalas na ginagawa ito ni Heart simula ng pandemic last year, spreading good vibes online sa pamamagitan ng kanyang TikTok videos.
Siguradong pabalik na rin ng bansa si Heart para ipagpatuloy ang lock-in taping nila ng cast ng I Left My Heart in Sorsogon na kinukunan sa lugar ng mga Escudero sa Sorsogon City, for GMA Telebabad.
(NORA V. CALDERON)
-
Tenorio patuloy ang pagiging ‘Iron Man’ ng PBA
SA HALFTIME ng upakan ng Barangay Ginebra sa Blackwater noong Linggo ay binigyan si point guard LA Tenorio ng Philippine Basketball Association ng plaque. Ito ay dahil sa paglalaro ng 37-anyos na si Tenorio ng kanyang ika-700 sunod na laro. “Nag-e-enjoy lang din ako with the competition, siyempre. I’m enjoying myself. […]
-
PDu30, nilagdaan ang batas na makapagbubukas pa sa retail sector ng Pinas sa mga foreign investors
MAS pinadali na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga dayuhan na makapag- invest sa retail sector ng Pilipinas. Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang batas na Republic Act (RA) No.11595, na inamiyendahan ang RA No. 8762 o ang Retail Trade Liberalization Act na may dalawang dekadang taon na. Ang […]
-
Loan requirements para sa PUV modernization, dapat gawing simple
HINDI dapat pahirapan pa ng gobyerno ang mga naghihira na public utility vehicle (PUV) drivers at operators na gustong makiisa sa PUV modernization program ng pamahalaan. Ipinunto ito ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee kasabay nang panawagan nito sa Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), at iba […]