Pagbasura sa board exams? Philippine Nurses Association, pumalag
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi sang-ayon ang Philippine Nurses Association (PNA) sa mungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibasura na ang pagbibigay ng licensure examinations.
Ayon sa PNA national president na si Melbert Reyes, agad ibinasura ng Board of Nursing ang nasabing proposal dahil kailangan na mapanatili ang competency ng mga health professionals sa bansa.
Iginiit ni Reyes na buhay ng tao ang hinahawakan nila kaya naman hindi dapat bumaba ang kalidad ng mga health professionals na mayroon ang Pilipinas.
Kung titingnan, ang mga board exams ay nagsisilbi nga rin bilang check and balance para kalidad ng edukasyon ng isang indibidwal.
Unang pinalutang ni Bello ang ideya na ibasura na lamang ang pagbibigay ng licensure examination para sa mga nurse, abogado, at iba pa, dahil sa malaking financial cost ng pag-aaral at pagkuha ng boards.
Ang mahalaga lamang aniya ay graduate sa isang institusyon na accredited ng Commission on Higher Education ang isang estudyante.
-
ARTA, nag-level up sa business permitting process sa Pinas
NAGING matagumpay ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na i-streamline ang ilan sa permitting process upang masiguro na maging magaan ang transaksyon o “doing business” sa Pilipinas. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa US businesses na ang kanyang administrasyon ay “working hard” para i-minimize ang red tape at i-digitalize ang bureaucratic processes. […]
-
‘Family Fued’, hindi pa rin mapataob: DINGDONG, hindi basta-basta papatol sa patama ni WILLIE
KILALANG hindi mapagpatol sa mga intriga ang Kapuso aktor Dingdong Dantes. Kung kaya inaasahang hindi sasagot si Dingdong sa mga pasaring ng TV host Willie Revillame. May mga binitiwan kasing mga patama si Willie kanyang programang ‘Wil to Win’ na obvious naman ay para sa katapat niya na ‘Family Feud’. […]
-
Ex-top prosecutor nahalal bilang bagong presidente ng South Korea
NAHALAL bilang bagong pangulo ng South Korea ang oposisyon at dating top prosecutor na si Yoon Suk-yeol sa ginanap na halalan nitong nakalipas na Miyerkules. Nanguna si Yoon na nakakuha ng 48.6% na boto laban sa ruling liberal party Democratic candidate na si Lee Jae Myung na nakatipon ng 47.8% votes mula sa […]