• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbati bumuhos kay retired NBA great Dwayne Wade matapos maging co-owner ng Utah Jazz

Bumuhos ang pagbati kay retired NBA player Dwayne Wade matapos kumpirmahin nito na kabilang na siya sa may-ari ng NBA top team ngayon na Utah Jazz.

 

 

Kung maalala huling naglaro si Wade, dalawang taon na ang nakakalipas sa ilalim ng Miami Heat kung saan inabot siya ng 14 na season.

 

 

Ang three-time NBA champion ay makakasama niya bilang majority sa ownership ang team governor na si Ryan Smith.

 

 

Hindi naman isinapubliko kung magkano ang ibinuhos niya na financial investment sa naturang prangkisa.

 

 

Para naman kay Wade, na dating eight-time All-NBA player sa Miami, nais niyang magkaroon ng aktibong papel sa Jazz kung saan kabilang sa malapit nitong kaibigan ay ang superstar point guard na si Donovan Mitchell.

 

 

Kabilang sa bumati kay Dwayne ay ang Heat owner na si Micky Arison.

 

 

Nanghinayang ito na sana sa Miami na lang ito naging co-owner.

 

 

Sa ngayon napabilang na rin si Wade sa mga basketball legends na nagmamay-ari na ng mga NBA teams.

 

 

Katulad na lamang ni Grant Hill ng Atlanta Hawks, Shaquille O’Neal na part owner ng Sacramento Kings at ang Charlotte Hornets majority owner na si Michael Jordan.

 

 

Ang isa pang NBA great na si Magic Johnson ay dati ring may 4% share sa Los Angeles Lakers.

Other News
  • 3 sa 4 na close contact ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12, negatibo; 1 nakaalis na ng bansa

    NATUKOY na apat lamang ang close contact sa Quezon City ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.     Nilinaw ni Dr. Rolly Cruz, head of the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang reports hinggil sa 9 na residente na nagkaroon umano ng contact sa 52 anyos na dayuhang mula sa Finland na nakumpirmang […]

  • ALDEN pangungunahan ang pagbabasa ng mga kabanata sa double book launching ni RICKY LEE

    MAGKAKAROON ng double book launching ng mga bagong libro ni Ricky Lee.     Ang Servando Magdamag At Iba Pang Maiikling Kuwento at ang graphic novel adaptation ni Manix Abrera ng Si Amapola, ngayong darating na Dec 14 (Tue), 5:30pm (ph time) via Zoom.     Makakasama bilang mga tagapagbasa sina John Arcilla, Agot Isidro, […]

  • VP Sara nilapastangan si ex-Pres. Marcos Sr. para mailihis atensyon ng publiko sa kuwestiyunableng paggamit nito ng daang milyong pondo

    NILAPASTANGAN ni Vice President Sara Duterte ang yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. upang mailinis ang atensyon ng publiko sa kinukuwestyong paggamit nito ng daang milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).     Ito ang sinabi ng isang miyembro ng Young Guns bloc sa Kamara […]