PAGBAWI SA PRODUKTONG NOODLES, INIIMBESTIGAHAN
- Published on July 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) sa ulat ng pagbawi o pag-recall sa isang produkto ng noodles .
Sa inilabas na FDA Advisory ni Officer in Charge Director General Dr.Oscar Gutierrez, Jr para sa mga konsyumer, sinabing nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa food business operator upang suriin ang kanilang compliance.
Ito ay nakaraang natanggap ang ulat hinggil sa kasalukuyang ‘recall’ ng mga batch ng produktong ‘Lucky Me! Instant Pancit Canton Noodles’ sa European countries at Taiwan dahil sa pagkakaroon o presensya ng ethylene oxide sa nasabing produkto.
Sa Pilipinas , ang nasabing produkto na rehistrado sa FDA ay manufactured locally ng Monde Nissing Philippines.
Ayon sa FDA, para sa kaalaman ng publiko, ang ethylene oxide ay processing aid na ginagamit para ma-disinfect ang mga herbs at spices.
Upang masiguro na protektado ang kalusugan ng publiko, ang paggamit ng ethylene oxide para sa mga layunin ng sterilizing sa pagkain ay hindi pinapayagan sa European Union (EU).
Gayunman, maaaring may bakas pa mula sa mga sangkap o raw materials. Nagtakda ang EU ng maximum residue levels sa napakababang antas batay sa uri ng commodity, ayon pa sa abiso ng FDA. (Gene Adsuara)
-
Miss Universe Philippines Chelsea Anne Manalo receives Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award
CITY OF MALOLOS – The prestigious Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award was recently bestowed upon none other than Chelsea Anne Manalo, the Philippines’ shining star in the recently concluded Miss Universe 2024 pageant during the Gawad Gintong Kabataan Awards held at The Pavilion in Hiyas ng Bulacan Convention Center here last Friday. Aside […]
-
Ads March 25, 2023
-
2 timbog sa baril at droga sa Malabon, Navotas
Kulong ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos masakote sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities. Dakong alas-5:35 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni […]