• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbibigay ng free legal aid sa uniformed personnel, magpapalakas sa morale, productivity ng law enforcers

ANG  pagbibigay ng libreng legal assistance na naakaharap sa kaso na may kaugnayan sa kanyang tungkulin ay makakatulong para mapalakas ang morale at productivity ng mga unipormadong personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.

 

 

Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, ang pagkaka-apruba ng House Bill 6509 sa ikatlo at huling pagbasa ay isang hakbang para mabigyan ng legal protection sa mga unipormadong personnel na naakusahan ng mali habang ginagampanan ang kanilang tungkulin na mabunyag ang mga high-profile criminal syndicates.

 

 

Ang HB 6509, ay pinagsama-samang panukalang batas nina Duterte  at  Benguet Rep. Eric Yap,  at iba pang panukalang batas ukol sa military and uniformed personnel (MUP) ng AFP, PNP, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Philippine Coast Guard (PCG).

 

 

“Free legal assistance will strengthen our uniformed personnel’s morale, safeguarding them from unfortunate circumstances that may come with performing their sworn duties. This free legal assistance, in the premise that is not misused, could serve as an incentive and boost productivity,” pahayag nina Duterte at Yap kasunod ng panawagan para sa agarang pagpasa ng paukala.

 

 

Sa ilalim ng bill, ang sinumang MUP na nakaharap sa kasong kriminal, civil o administrative charges na service-related incidents sa prosecutor’s office, korte, administrative body, o anumang tribunal, ay mabibigyan ng free legal assistance.

 

 

Patuloy pa ring mabibigyan ng free legal aid ang mga ito hanggang sa pagreretiro sa serbisyo.

 

 

Nanawagan naman ito sa senado na ipasa ang counterpart measure ng HB 6509 kapag nagbalik sesyon ang kongreso sa susunod na buwan. (Ara Romero)

Other News
  • DOH, DOT kailangan na makahanap ng middle ground ukol sa face mask policy- Malakanyang

    SERYOSONG kinokonsidera ng Pilipinas ang panukalang pagaanin at luwagan  ang mandatory face mask policy sa bansa.     Ito’y kasunod ng data na nagpapakita na ang pagpapagaan sa requirement  ay makapagpapalakas sa turismo.     Sa press briefing, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles  na nagkaroon ng kompromiso ang Departments of Health (DOH) at Tourism […]

  • Kailangang mag-diet for the next 90 days: SHAQUILLE, nag-update after na sumailalim sa hip surgery

    NATUPAD ang wish ng Sparkle artist na si Kim Perez na makasama sa isang malaking teleserye at nangyari iyon sa ‘Hearts On Ice’ kunsaan co-stars niya sina Ashley Ortega at Xian Lim.     “Nakakatuwa po ang mga nangyayari ngayon sa career ko. After na maging part ako ng Sparkada, heto at nakasama ako sa […]

  • Ads September 15, 2022