• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, DAPAT GOV’T-TO-GOV’T TRANSACTION – DUTERTE

MAS gusto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang government-to-government transaction sa pagbili ng vaccine laban sa COVID-19 mula sa China.

 

Ang katwiran ng Pangulo, mas bukas kasi ang korapsyon kapag nakipag-deal sa private entities.

 

“Ayaw ko ‘yung bibili tayo sa private Chinese businessmen. Diyan magkakalokohan,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped address, araw ng Martes.

 

“Hindi kami manghihingi, we will pay. Sana government-to- government ang transaction, walang corruption,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, mayroon ng inilaan ang pamahalaan na P2.5 bilyong piso para bumili ng vaccines laban sa COVID-19, subalit sinabi ng Department of Health na ang halagang ito ay kapos ng P10.5 billion.

 

Gayunman, sinabi ng Chief Executive na mayroon siyang “full confidence” na matutulungan ng Chinese government ang Pilipinas pagdating sa bakuna laban sa COVID-19.

 

“I believe in Chinese expertise and knowledge. Hindi ako nagkamali, meron na sila,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

 

“I had a meeting with the [Chinese] ambassador [to the Philippines], he said the vaccine is there. It is a matter of kung paano i- distribute, and what kind of transaction it would be for them and for us,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, sa ngayon, tanging ang Sinovac vaccine ng China ang may malinaw at dumaan sa masusing pagsisiyasat ng Vaccine Experts Panel (VEP) ng Pilipinas.

 

Iyon nga lamang, kailangan pa rin na makakuha ang Sinovac ng approval mula sa Ethics Board bago pa ito makapag-aplay para sa Food and Drug Administration (FDA) clearance para sa clinical trial sa Pilipinas.

 

Ang VEP ang nagrerebisa ng Phases 1 at 2 ng clinical trials ng mga kandidatong bakuna habang ang Ethics Board naman ang nage-evaluate sa pagpili para sa mga magpapartisipa para sa clinical trials, “among other safe- guards that the vaccine manufacturer provided for the partici- pants.” (Daris Jose)

Other News
  • LTFRB: TNVS tulad ng Grab binigyan ng 5,000 slots sa MM para sa holiday rush

    NAGBUKAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 5,000 karagdagang slots para sa ride-hailing services sa Metro Manila upang mabigyan ng sapat na serbisyo ang mga pasehero ngayon kapaskuhan.       “These slots have been equally distributed among the different Transport Network Vehicle Service (TNVS) such as Grab operating in National Capital […]

  • Kahit pa sinasabi na okay naman siya at busy sa work: KYLIE, halatang ‘di pa talaga nakaka-move-on sa break-up nila ni JAKE

    TINULDUKAN na ni Herlene Nicole Budol ang kanyang beauty pageant journey.     Yun ay kung hindi na magbabago ang isip niya sa naging sagot niya sa kapwa beauty queen na si MJ Lastimosa.     Rooting si MJ kay Herlene na mag-join daw itong muli hanggang sa makuha ang korona. Pero, negative na ang […]

  • Minimum wage hike sa NCR, kasado sa Hulyo – DOLE

    INAASAHANG pagsapit ng kalagitnaan ng Hulyo ay maaaring maitaas na ang minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).       Ito’y kasunod na rin nang nakatakda nang pagdaraos ngayong Huwebes, Hunyo 20, ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng public hearing hinggil sa petisyong umento sa sahod ng mga […]