• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbili ng mga bagong sasakyan ng DepEd, walang mali -Sec. Roque

PARA sa Malakanyang ay walang mali sa ginawang pagbili ng Department of Education ng mahigit na 166 bilang ng mga bagong sasakyan, kabilang na ang 88 truck.

 

Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matagal na itong planong bilhin ng pamahalaan.

 

“Lahat ng napo-procure sa taong itong eh, matagal na iyong nasa drawing board. Itong pagbili ng transportasyon ng DepEd, 2016 pa iyan na-identify na pangangailangan ng DepEd at ngayon lang iyan nabili nga ano pero iyan ay included sa 2019 budget,” ayon kay Sec. Roque.

 

Bago pa aniya dumating ang pandemya ay naaprubahan na ang nasabing budget.

 

Naniniwala si Sec. Roque na mahalaga rin ang mga sasakyan para magamit ng DepEd engineers na gumagawa at nag- iinspeksyon ng mga classroom, maging para sa module distribution.

 

Bukod pa sa gagamitin din aniya ito ng regional offices ng DepEd para makaikot sa mga komunidad ngayong panahon ng pandemya. (Daris Jose)

Other News
  • New ‘Snake Eyes’ Character Poster Revealed Ahead of Teaser Trailer

    PARAMOUNT Pictures revealed a new Snake Eyes character poster ahead of teaser trailer, in order to get G.I. Joe fans hyped for the upcoming origin story feature film.      Snake Eyes will star Henry Golding (Crazy Rich Asians) in the leading role and take a deep dive into his origin story.     Various G.I. Joe comic books offer different explanations for the […]

  • CLOE, aminadong mapangahas ang role sa ‘Silab’; MARCO, parang young RICHARD GOMEZ

    INILULUNSAD bilang ganap na bituin si Cloe Barreto, talent ng 3:16 Talent Management at bida sa Silab, ang bagong sex drama offering ng film outfit ni Madam Jenilyn Carrillo.   Sa isang pocket presscon for her and leading man Marco Gomez, sinabi ni Cloe na handa na siya to do all the demanding drama and […]

  • Arocha nasasabik sa Lady Chiefs

    NANANABIK ang incoming Philippine SuperLiga (PSL) rookie na si Regina Arocha ng Sta. Lucia Lady Realtors sa kanyang alma mater na Arellano University at sa women’s volleyball team nitong Lady Chiefs.   Pero sanhi ng coronavirus dis- ease 2019 (Covid-19) at pagkakansela ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 nitong Marso, hindi natapos […]