Pagbili ng PPEs ng administrasyong Duterte, lehitimo-Sec. Roque
- Published on September 8, 2021
- by @peoplesbalita
MULING iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagbili ng administrasyong Duterte sa personal protective equipment (PPE) noong nakaraang taon ay lehitimo.
Bagaman gumamit si Sec. Roque ng kahalintulad na talking points, pinili ni Sec. Roque na gumamit ng “visual” route sa kanyang virtual press briefing, araw ng Lunes sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang mannequins na nakasuot ng PPEs.
“Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari dyan sa Pharmally [Pharmaceuticals] na yan. Ang alam ko lang po ay facts,” ayon kay Sec. Roque.
Katulong ni Sec.Roque sa kanyang visual presentation si Department of Health (DOH) Undersecretary Charade Grande, na dumalo sa proceedings via Zoom.
Binasa ni Grande ang isang written breakdown ng government purchased PPE sets, habang tinukoy naman ni Sec. Roque ang corresponding article.
Si Roque ay mayroong female mannequin na ginamit nito sa kanyang presentasyoon kung saan inalis nito ng pang-itaas na layer ng PPE upang maipakita sa mga Filipino kung ano ang binili ng pamahalaan gamit ang public funds.
“Heto po ang binili, a nine-piece PPE set sa halagang P1,716,” aniya pa rin.
Inulit naman nito ang pagtatanggol sa ginawang pagbili ng Duterte administration sa medical supplies na sinasabing overpriced.
Kaagad na ikinumpara ni Sec. Roque ang presyo ng PPE sets noong nakalipas na administrasyon sa panahong wala namang coronavirus disease (COVID-19) pandemic o demand para sa medical supplies.
“Hindi po nila dine-deny, P3,800 [per set] ang binili nila (Aquino administration). Pareho po ng PPEs na binili natin ay WHO [World Health Organization]-compliant,” paliwanag ni Sec. Roque.
“Hindi ko po sinasabi na P3,800 ay hindi overpriced or overpriced. Ang sigurado ako, kung nakakabili po ng P3,800, ang P1,716 ay hindi po overpriced,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ni Sec.Roque na “Politika na po ngayon. Kinakailangang mas maging maingat at matalino sa pag-aanalyze po ng naririnig”
Samantala, ang Local firm Pharmally Pharmaceutical ang nakasungkit ng P10 bilyong halaga ng government contracts para sa medical supplies noong nakaraang taon nang unang matuklasan ang COVID-19 sa bansa.
Kinuwestiyon ang pag-award ng kontrata sa Pharmally dahil sa mababang capitalization nito at naitatag lamang noong Setyembre 2019. (Daris Jose)
-
Pinay skater Pertichetto sasabak sa kumpetisyon sa Sweden
Napiling maging representative ng bansa sa 2021 World Figure Skating Championship si Filipino skater Alisson Pertichetto. Ito mismo ang kinumpirm ang Philippine Skating Union sa torneo na gaganapin sa Marso 22 sa Stockholm, Sweden. Ayon sa grupo na mayroong kakaibang lakas at galing ng isang babae si Pertichetto. Nakuha […]
-
Kahit inabot ng 82 days ang lock-in taping: Direk GINA, nagpapasalamat na walang nagkasakit sa buong cast and crew
ANG star builder na si Johnny Manahan a.k.a. Mr. M ang isa sa may kinalaman kung bakit nag-rebrand ang GMA Artist Center to Sparkle para sa taong ito. Naniniwala kasi si Mr. M sa sipag at talento ng mga artists ng Kapuso network at malayo pa ang mararating nila. “I would […]
-
UGNAYAN NG PSC, KAMARA PINATIBAY
WALANG problema para sa Philippine Sports Commission ang pagiging abala sa kaliwa’t kanang mga trabaho, matapos itong ipatawag ng Senate at Congress para sa serye ng hearings sa mga proposed bills sa sports. Inimbitahan ni Senate Committee on Sports Chairman Sen. Christopher Lawrence Go para sa Philippine Boxing and Combat Sports Commission consultative hearings […]