• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbira ni Pacquiao kay PDu30, maling estratehiya- Sec. Roque

MALING estratehiya ang ginagawa ni Senador Manny Pacquiao na pagbira kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para lamang maging bukambibig ang pangalan nito hanggang sa halalan sa susunod na taon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na gustong tumakbo sa pagka-pangulo ni Pacquiao.

 

“Pulitika po iyan ‘no, eh alam naman nating lahat gustong tumakbo ng presidente ni Senator Pacquiao. Sa akin po, hindi tamang istratehiya iyan kasi napakatagal naman pong nagsama si Senator Pacquiao at ni Presidente, at sa ngayon po, wala pa namang pinapangalanan pang tao ang Presidente na ieendorso niya para maging presidente sa susunod na halalan,” aniya pa rin.

 

“At paulit-ulit ko nga pong sinasabi eh ‘no, binanggit na ni Presidente isa sa tatlo na posible sana niya noon na i-endorso for president is Senator Manny Pacquiao, hindi ko po alam kung bakit hindi nakapaghintay si Senator Manny Pacquiao,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, “good for him” naman ang naging tugon ni Roque sa sinabi ni Pacquiao na dalawang bagay ang kaya niyang panghawakan at ito ay ang hindi siya tiwali at hindi siya sinungaling.

 

Nag-ugat ito sa naging hamon ni Pangulong Duterte na pangalanganan ng Senador ang mga corrupt officials sa gobyerno, matapos naman ang naunang sinabi ni Pacquiao na malala ang korapsiyon sa kasalukuyang administrasyon.

 

Sa ngayon ay patuloy aniya na hinihintay ni Pangulong Duterte ang sinasabi ni Pacquiao na mga corrupt na ahensiya nang sa ganoon ay matingnan aniya ng Chief Executive kung talagang may kailangang sibakin sa usaping ito.

 

“Pero kinakailangan sabihin niya kung saan iyong korapsyon, anong ahensiya iyan at anong ebidensiya niya,” ang tila hamon pa ng Malakanyang sa senador.

 

“Bagama’t sinabi niya, isa doon sa ahensiyang ito ay DOH, eh talaga naman pong naimbestigahan na iyan fully ng Senado. So, wala pong bago doon sa sinabi niyang departamento na DOH. So sana nga po, bago naman umalis is Senator Pacquiao ay makapagsabi siya kung sino talaga ang dapat maimbestigahan, dahil ang mensahe ni Presidente, hindi po niya tino-tolerate ang korapsiyon. Malaman man lang niya kung saan mayroong sunog at papatayin niya iyong sunog na iyon,” litaniya ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • 3 dalaga nalambat sa P1.1 milyon shabu sa Navotas

    UMABOT sa mahigit P1.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong dalaga na umano’y sangkot sa illegal na droga matapos malambat sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Kyla Marie Legaspi, […]

  • CASTMATES AND FELLOW FILMMAKERS RAVE ABOUT DEV PATEL IN HIS DIRECTORIAL DEBUT “MONKEY MAN”

    Oscar® nominee Dev Patel (“Lion,” ”Slumdog Millionaire”) achieves an astonishing, tour-de-force feature directing debut with an action thriller about one man’s quest for vengeance against the corrupt leaders who murdered his mother and continue to systemically victimize the poor and powerless, in “Monkey Man.” Watch the trailer: https://youtu.be/L-Sc3Hzw_a4?si=gFIOLaZR4o3j5cvb The film, certified Fresh on review aggregator Rotten Tomatoes, has been […]

  • BULACAN PRIDE.

    Matapos ang kanilang matagumpay na kampanya sa Batang Pinoy 2024, ipinakita ng mga nagwaging atleta na sina (mula kaliwa hanggang kanan) Alexie Jane Conte, Aretha Paulenco, Gerald J. Esquivel, Aaliyah Arnelle Go, Rizzalyn A. Santos, Yukihiro Funayama, Sean Aldryl Tolentino, at Kiel Vincent E. Aldaba ang kanilang mga pinagsumikapang medalya kasama ang ilan sa kanilang […]