• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbubukas ng ilang negosyo para lang sa bakunado, plano ng DTI

Pinag-aaralan  na ng Department of Trade and Industry  (DTI) ang pagbubukas ng  ilang mga negosyo at ibang aktibidad na hindi pinapayagan habang nakataas ang enhanced community qua­rantine (ECQ)  at modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lugar, subalit para lamang sa mga bakunado.

 

 

Ayon kay DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte sa isang panayam. kabilang sa pinag-aaralan ang pagbubukas ng mga restaurants para sa indoor at outdoor na dine-in.

 

 

“Para lang po sa vaccinated workers at vaccinated clients. So ito rin po ay para sa proteksyon din ng mga unvaccinated. ‘Yun po ‘yung gusto natin. Pero dito lamang po sa mga negosyo na nananatiling sarado,” ani Vizmonte.

 

 

Kabilang sa posibleng pabuksan ang health personal care services gaya ng salon, gym, at spa, maging ang mga arcade at indoor sports venue, para lang din sa mga bakunado.

 

 

Maaari anila,  silang mag-operate kahit naka-ECQ o MECQ basta’t bakunado ang mga empleyado at pagsisilbihan lang ang mga fully-vaccinated na guests. (Gene Adsuara)

Other News
  • “Thank you for always being my rock’.. MARIAN, kinakiligan ang napaka-sweet na mensahe kay DINGDONG

    MAY nakakikilig at napaka-sweet na mensahe si Marian Rivera sa kanyang asawang si Dingdong Dantes.     Sa Instagram post si Marian, ibinahagi niya ng larawan nila ni Dingdong na kung saan nakayakap siya sa balikat ng asawa.     Kuha ito sa Italy na kung saan rumampa ang mommy nina Zia at Sixto sa […]

  • Ads October 10, 2024

  • Increase sa DOH budget, aprub kay Bong Go

    NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go na palakasin pa ang healthcare system sa public hearing ukol sa panukalang 2023 budget ng Department of Health noong Lunes.     Sa pagdinig, binigyang-diin ni Go, chair ng committee on health and demography, ang kahalagahan ng 2023 budget ng DOH para sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya […]