• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbubukas ng klase sa public schools, ‘generally peaceful’ – PNP

PANGKALAHATANG mapayapa ang unang araw ng pagbubukas ng klase Agosto 29 sa mga pampublikong paaralan.
Sinabi ni Philippine National Police Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr. na wala namang natanggap na anumang gulo o untoward incident ang PNP.
Nabatid na umaabot sa 32,706 pulis ang dineploy kahapon upang matiyak ang seguridad sa mga paaralan.
Naglatag din ng 6,159 Police Assistance Desks sa mga stratehikong lugar sa bansa na handang tumugon sa pangangailangan ng mga estudyante, magulang, at mga guro sakaling may emergency.
Nakaalerto sa ngayon ang hanay ng PNP para maiwasan ang mga krimen na maaring gawin ng mga mapagsamantala.
Kasunod nito, kanyang hinikayat ang lahat na makipag-ugnayan sa awtoridad at mag-report ng mga kahina-hinalang aktibidad.
Sa pamamagitan nito ay agad na makakaresponde ang PNP at matitiyak ang ligtas na pagbabalik-eskwela.
Mas paiigtingin pa ng PNP ang police visibility na isa sa epektibong paraan upang mailigtas ang mga estudyante at guro sa mga insidente ng snatching, hold up at kidnapping. (Daris Jose)
Other News
  • Kaligtasan muna, ayon sa mga pyro manufacturer dealers

    UPANG  mapanatiling sariwa sa kaisipan ng mga stakeholder ang safety practices sa paggawa, pagbebenta, pamamahagi at tamang paggamit ng mga produktong paputok, nagsagawa ng seminar ang Philippine Pyrotechnics Manufacturer Dealers Association Inc. kasama ang Philippine National Police Civil Security Group-Firearms and Explosive Office sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan.     Kailangan […]

  • Higit P.2M marijuana, nasabat sa HVI drug suspect sa Valenzuela

    ISANG drug suspect na itinuturing High Value Individual (HVI) ang timbog matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng marijuana nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban […]

  • Mobile Legends Tournament inilarga ni Mayor Joy

    PORMAL nang inilunsad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang Acting President ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang kauna-unahang Mobile Legend Bang Bang Tournament na inorganisa ng LCP sa isang simpleng pagtitipon sa Solaire Hotel sa Quezon City. Sa media conference, sinabi ni Mayor Belmonte na ang torneo ay magbibigay daan na […]