• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbubukas ng klase tuloy kahit may monkeypox – DOH

WALA umanong dahilan para maantala ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 sa kabila ng pagkakadiskubre ng ­unang kaso ng monkeypox sa bansa dahil sa mga itinakdang “safeguards” ng pamahalaan, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

 

 

Sinabi ni Vergeire na katuwang ang Department of Education (DepEd) ay palalakasin nila ang screening sa mga mag-aaral at mga guro na magbabalik sa mga paaralan.

 

 

“Walang papasok dapat sa eskwela na may mga sintomas o ‘di kaya kung meron nang mga lesions, makita na natin agad,” paliwanag ni Vergeire.

 

 

Inihayag ito ni Vergeire makaraang sabihin ni DepEd spokesperson Michael Poa na babase sila sa panuntunan na ilalabas ng DOH kaugnay ng monkeypox virus.

 

 

Nadiskubre nitong Hulyo 28 ang unang kaso ng monkeypox sa bansa na isang 31-anyos na pasyente na galing sa ibang bansa at dumating ng Pilipinas nitong Hulyo 19.

 

 

Tinatayang nasa 13.1 milyong estudyante na naka-enroll ang inaasahan na magbabalik sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 22 sa panunumbalik ng “in-person” na mga klase.  (Daris Jose)

Other News
  • 738 iskul ipinagpaliban pagbubukas ng klase

    MAAANTALA ang pagbubukas ng klase ng 738 public schools sa apat na rehiyon sa bansa na itinakda sa Hulyo 29 (Lunes) bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina, ayon sa Department of Education (DepEd). Inihayag na rin ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi niya pipilitin na magbukas ng klase ang mga […]

  • United Clark, umaayaw sa Philippines Football League

    Umatras ang United Clark na sumali sa second half ng Philippines Football League (PFL) season.   Sinabi ng club noong Huwebes na kailangan nitong bawiin ang pakikilahok nito habang nasa isang ligal na labanan sa isang grupo ng pamumuhunan sa Singapore dahil sa hindi nabayarang mga bayarin, na nakaapekto sa mga operasyon nito.   “Gustong […]

  • PBBM, pinuri ang “expansion plans” ng Coca-Cola sa Pinas

    “Coca-Cola’s expansion in the Philippines is very encouraging.”   Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos i-welcome ang plano ng multinational company na maglagak ng US$1 billion para sa susunod na limang taon para itaas ang operasyon sa bansa.     Sinunggaban ang oportunidad sa domestic market at “large and young consumer […]