Pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tutugis sa mga nagmamanipula sa presyo ng mga meat products
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tututok sa isyu ng labis na pagtaas ng presyo ng mga ibinebentang karne ng baboy sa mga pamilihan.
Ito rin ang tutugis at mag-iimbestiga sa mga hinihinalang nagmamanipula sa suplay at presyo ng mga meat products sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, misyon ng task force na ito ang habulin at kasuhan ang mga mapagsamantalang hoarders at nagmamanipula sa presyo ng mga meat products.
Ang nasabing task force ay binubuo ng Dept. of Agriculture(da), Dept. of Trade and Industry(DTI), NBI, CID at National Security Council.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni DTI Sec. Ramon Lopez, sa briefing sa Malakanyang na may mga sumbong na silang natatanggap sa pamamagitan ng text messages kaugnay sa mga umano’y mapagsamantalang traders at wholesalers ng mga meat products.
Ito aniya ang dahilan kaya’t nagsasagawa na sila ng beripikasyon ukol sa mga ipinarating sa kanilang reklamo at sa ngayon ay mayroon na rin aniyang mga minamanmanan at iniimbestigahan ang task force.
Tiniyak ni Lopez na hindi palalampasin ng task force ang sinumang mapatutunayang sangkot sa kaso ng hoarding at manipulasyon sa presyo ng mga meat products na ibinebenta sa merkado. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
First solo concert niya after six years: ‘Renaissance Tour’ ni BEYONCE, tuloy na na magsisimula ngayong Mayo
NAGING simple at tahimik ang pag-celebrate ni Kristoffer Martin ng first wedding anniversary nila ng kanyang misis na si AC Banzon. Kasama nila sa pag-celebrate ay ang anak nilang si Precious Christine. Advances nga raw ang pag-celebrate nila ng anniversary dahil sa mismong araw ng kanilang wedding annivesary ay manonood ang misis ni Kristoffer ng […]
-
FILIPINONG PARI, ITINALAGANG MIEMBRO NG PONTIFICIAL ACADEMY
ITINALAGA ni Pope Francis ang Filipino Dominican na si Fr.Albino Barrera , isang theologian at economist bilang miyembro ng Pontifical Academy of Social Sciences. Nakabase sa United States ang 65 taong gulang na pari na moral theologian at professor ng economics at theology sa Providence College sa Rhode Island. Ayon sa […]
-
Ads February 14, 2023