• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagcor, kinumpirma na si Harry Roque ang legal head ng na-raid na POGO sa Porac Pampanga

PINANGALANAN na ni Pagcor Chairman Alejandro Tengco ang dating cabinet official na umano’y nag-ayos para mabigyan ng lisensya ang iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sinalakay ng mga awtoridad at sangkot sa mga krimen.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children, binanggit ni Tengco ang pangalan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-lobby para sa POGO hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga na ni-raid ng mga awtoridad.
Isinalaysay ni Tengco na noong ikatlong linggo ng Hulyo taong 2023 nakatanggap ang Pagcor ng tawag mula kay roque kung saan humingi ito ng appointment sa kanya.
Nagtungo aniya sa kanyang opisina si Roque noong Hulyo 26 ng parehong taon kasama si Katherine Cassandra Ong, na authorize representative ng Lucky South 99.
Ayon kay Tengco, kasama niyang nakipag-usap kina Atty Roque si Atty. Jessa Fernandez and namumuno ng Gaming and Licensing Division ng Pagcor.
Nakiusap aniya si Roque na tulungan si Ong dahil mayroon silang arrears o utang ang kanilang kompanya na 500,000 US Dolar dahil niloko daw sila ni Dennis Cunanan kung saan hindi ibinayad sa Pagcor para sana sa gaming fees at ibang additional fees.
Si Cunanan aniya ang nag-facilitate ng mga dokumento ng licensees na Lucky South 99 at si Cunanan din aniya ang opisyal na kinatawan ng naturang POGO hub na nakarehistro sa Pagcor kaya ganon na lamang ang tiwala nito kay Cunanan.
Samantala, sinabi pa ni fernandez, na kasama ni tengco sa pagpupulong, anim na beses siyang nakipag-ugnayan kay Roque para sundan ang application ng lisensya ng lucky south 99. Ngunit parehong nilinaw nina Tengco at Fernandez na hindi sila pinilit ni Roque na ibigay ang lisensya sa nasabing POGO firm.
Ayon kay Tengco, pinangalanan si Roque bilang head ng legal department ng Lucky South 99 batay sa organizational chart ng POGO firm na isinumite para sa kanilang muling pag-apply ng lisensya.
Sinabi ni Fernandez na tinanggihan ang application ng lisensya ng lucky south 99 dahil nakakita sila ng mga dahilan upang hindi sila pagbigyan.
Noong Hunyo, ibinunyag ni Tengco, ngunit hindi nito pinangalanan, na may isang dating cabinet official ang nag-lobby para sa pagbibigay ng lisensya sa ilang ilegal na POGO. (Daris Jose)
Other News
  • VARIETY SELECTS “I WANNA DANCE WITH SOMEBODY” AS ONE OF TOP 10 BEST FILMS OF 2022

    COLUMBIA Pictures’ I Wanna Dance with Somebody is shaping up to be a must-see, big-screen experience as it has been hailed by the prestigious Variety Magazine as one of the Ten Best Films of 2022.       [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/HzpCdwm8KkU]     In Variety’s year-ender story, “The Best Films of 2022,” resident film critic […]

  • Nag-donate naman ng ambulansya sa ospital: Pinupuring ‘Love is Essential’ campaign ni GRETCHEN, tuloy-tuloy lang

    MAGBABALIK na sa Siargao ang pamilya ni Andi Eigenmann pagkaraan ng ilang buwang paninirahan sa Maynila.     Hindi raw agad umuwi sina Andi pagkatapos tumama ang typhoon Odette sa isla noong December 2021.   Post ni Andi sa Instagram: “Last series of snaps with this concrete jungle as background. I know the scenic coconut […]

  • BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco

    BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang ibang pang mga opsiyal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog na karamihan ay pansamantalang nanunuluyan sa basketball court ng Tanza National High School. Nagbigay din si Mayor Tiangco at Cong. Toby Tiangco ng tulong pinansyal sa mga nasunugan, pati na […]