• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdagsa ng mga tao sa isang resort sa Caloocan, nangyari din sa India na nagbunga ng mabilis na pagkalat ng virus -Malakanyang

IPINAALALA ng Malakanyang sa publiko ang nangyari sa India na hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin ng matinding hagupit ng COVID 19.

 

Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naiulat na pagdagsa ng tao sa Gubat sa Ciudad resort sa Lungsod ng Caloocan na pinangangambahan ngayong magkalat ng virus.

 

Dapat alalahanin ayon kay Sec. Roque na ang nangyaring super spreader sa India ay sanhi rin ng ginawang pagligo doon ng mga Indiano bukod pa sa ilang kadahilan.

 

Kaya ang resulta ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, disaster na ang dulot ay pagkamatay ng marami at kakulangan sa kapasidad ng kanilang mga ospital duon.

 

“Sa India may swimming din. Ano nangyari sa kanila … disaster,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ang pangyayari aniya sa Gubat sa Ciudad ay isang malinaw na super spreader na kung saan ay huling- huli ang mga bata at matatanda na nakunan ng video at litrato na magkakadikit na naliligo sa nasabing resort —walang mga suot na facemask, lumabag sa ipinagbabawal na mass gathering, at walang takot sa COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Maroons amoy na ang UAAP crown

    NAITARAK  ng University of the Philippines ang gitgi­tang 81-74 overtime win laban sa defending champion Ateneo de Manila University upang makalapit sa inaasam na kampeonato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Rumatsada nang husto si Ricci Rivero nang humataw ng 19 points, 4 […]

  • Produksyon sa fishery sector sa unang 3 buwan, bumaba

    NAITALA ang pagbaba ng produksyon sa sektor ng pangisdaan sa unang tatlong quarter ng kasalukuyang taon.     Nakapag-ambag ang sektor ng pangisdaan ng hanggang P58.72 billion na halaga ng produksyon o katumbas ng 14.2% ng kabuuang agricultural output.     Ito ay bumaba ng 6.1% kumpara sa naging produksyon noong nakalipas na taon.   […]

  • MGA OPISYAL NAG-INSPEKSYON SA PALENGKE PARA TIYAKIN ANG PAGSUNOD SA EO 39

    NAG-IKOT sa NEPA Q Mart si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Benhur Abalos Jr. upang mag-inspekyon kaugnay sa unang araw ng pagpapatupad ng Executive Order Number 39 o ang kautusang nagtatakda ng price ceiling sa bigas. Matatandaan na inilabas ang EO 39 bunsod na rin ng napipintong kakapusan sa suplay ng bigas […]