• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdami ng fake FB accounts, ‘very unusual’: NPC chief

Sinabi ng National Privacy Commission (NPC) na mapanganib ang umano’y proliferation ng mga pekeng Facebook account lalo pa at ginagamit ito ng walang awtorisasyon.

 

Sa panayam, sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro na “very unusual” ang nangyaring ito.

 

“Sa karanasan ng NPC, unusual ‘to. ‘Yung mga impostor account, dummy account, ‘yan ay bahagi na ng buhay sa loob ng Facebook. Pero ‘yung ganitong bugso ng mga reports, very unusual,” lahad ni Liboro.

 

“Kapag may mga fake o hindi awtorisadong mga accounts na lumalabas sa social medIa, may panganib na magagamit ‘yan na hindi awtorisado,” babala pa nito.

 

Asked about the possibility of utilizing the fake account to plant evidence against a person, Liboro said the NPC has not encountered a case like this yet. “Kung gagamitin ito, tatamnan ng ebidensya, wala pa tayong nakikitang ganung kaso.”

 

Panatag naman si Liboro na prayoridad ang isyung ito sa Facebook.

Other News
  • Pag-host ng PH sa FIBA Asia Cup qualifiers, kanselado dahil sa travel ban – SBP

    Kinansela na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-host ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero dahil sa ipinataw na travel ban ng bansa bunsod ng bagong variant ng COVID-19.     Nakatakda sanang gawin sa bansa ang mga laro ng Group A at C sa ikatlo at huling window ng qualifiers […]

  • CHRISTIAN LAGAHIT, inalala na naging biktima rin ng racial discrimination na ‘di na-experience sa ‘Squid Game’

    MINSAN na raw naging biktima ng racial discrimination ang Pinoy actor sa hit Korean series na Squid Game na si Christian Lagahit.     Kahit na raw lumalabas siya sa ilang Korean movies at TV series, hindi raw maiiwasan na meron pa ring mag-discriminate sa kanya dahil sa pagiging Filipino niya.     Sa naging […]

  • ‘Injectable shabu’ nasabat, 2 kelot nadakma

    KALABOSO ang dalawang suspek na nagbebenta ng mga liquid o injectable shabu sa online sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City kahapon (Huwebes, Pebrero 20) ng umaga.   Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service Director Levi Ortiz ang mga naarestong suspek na sina Mark Kenneth del […]