• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR, hindi dahil sa eleksyon – OCTA

NILINAW ng OCTA Research group na ang mas maraming transmissible Omicron subvariants COVID-19 ang dahilan ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit sa Metro Manila.

 

 

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni OCTA research fellow Dr. Guido David na hindi ito dahil sa mga aktibidad na inilunsad noong panahon ng eleksyon.

 

 

Aniya, bagamat kaliwa’t kanan ang mga campaign rallies at sorties na nilalahukan ng maraming tao noong kampanya ay wala raw silang nakitang anuman epekto nito o pagtaas man sa bilang ng mga kaso ng nasabing sakit.

 

 

Samantala, sa kabila naman ng pagdami ng mga kaso nito sa rehiyon ay ipinalagay naman ni David na hindi na ito lalagpas pa sa 10,000 ang bilang ng mga kaso nito sa rehiyon.

 

 

Patuloy pa rin naman ang kanyang panawagan sa publiko na magpabakuna na at booster shot bilang dagdag na proteksyon laban sa naturang sakit at gayundin ang patuloy na pagsunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Sandoval mapalad sa dyowa

    SAGANA sa pagmamahal si Premier Volleyball League (PVL) star Carla Sandoval sa kanya dyowang si Philippine Basketball Association D-League (PBADL) player Mario Emmanuel Bonleon II.   Pinangalandakan ito ng 23 taong-gulang, may 5-7 taas na dalaga sa isang social media post niya kamakalawa. Bukod sa maituturing nang bestfriend ay true love pa niya ang kasintahan. […]

  • Hinaharang daw para paboran si Vilma: Fans ni NORA, ‘di matanggap na nakapasok ang ‘Uninvited’ sa 50th MMFF

    TUWANG-TUWA ang mga Vilmanians dahil napasama sa sampung MMFF entries para sa taong ito ang pelikulang “Uninvited “   Ang nasabing movie ay pinagbibidahan ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.   Siyempre bukod sa grupo ng VSSI na pinamumunuan nina Jojo Lim ay isa sa very much […]

  • P335 million ang nawawala sa gov’t dahil sa ‘duplicates’ at ‘inconsistencies’ sa database ng 4Ps

    IBINUNYAG ng Commission on Audit (COA) na nasa P335 million ang halaga ng nawawala sa gobyerno dahil sa duplicates at inconsistencies sa database ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sa Performance Audit Report ng COA sa 4Ps program, inirekomenda nitong muli ang pagsasagawa ng cleansing […]