• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdanganan tabla sa ika-68, nakapagsubi pa rin ng P249K

HULI na ang pag-init ni Bianca Pagdanganan sa binirang two-under 69 para sa nine-over 297 na naglagak lang sa kanya kabuhol si American Angela Stanford sa 68th place na may tig-$5,189 (₱249K) prize sa pagtiklop ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Tiburon Golf Club Gold course sa Naples, Florida na pinangunahan ni Ko Jin-young ang 1-2 finish ng South Korea nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).

 

Iyon ang pinakamagarang nilaro ng 23-anyos na bagitong professional golfer ng Pilipinas sa 72-player field, four-day event makaraan ang 73-79-76 dito, na nagtampok sa 66-270 ni Jin-young para sa five-stroke win sa kalahing si Kim Sei-young  (72) at kay Hannah Green ng Australia (67) na nagsosyo sa 275s.

 

Iniuwi ng 25-anyos, 5-6 ang taas at buhat sa Seoul na si Jin-young ang $1.1M (₱52.8M) champion purse habang may grasya naman sina Sei-young at Green na $209,555 (₱10M) bawat isa.

 

Ang torneo ang ika-18 yugto at nababa na rin sa telon ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 ng Estados Unidos. (REC)

 

Other News
  • Ads October 18, 2024

  • Everyone’s feeling the love as “Bob Marley: One Love” opens globally at No. 1 with $80-M, arrives in PH March 13

    Bob Marley: One Love, a film celebrating the legendary reggae musician, opened at No. 1 across several countries worldwide with an estimated gross of $80-million, including $51-million in North America.  The movie broke the record for biggest opening day for a music biopic in several markets, including the UK, New Zealand, and Jamaica, where the […]

  • Young Guns: Duterte dapat makulong dahil sa EJKs

    KASUNOD na rin sa pahayag ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte na full legal at moral responsibility sa mga naging pagpatay sa kanyang war on drugs sa ginanap na pagdinig sa senado, iginiit ng Young Guns bloc sa kamara na kaharapin ni Duterte ang buong puwersa ng batas at mabilanggo sa naganap na extrajudicial killings […]