• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdeklara kay PATAFA Prexy Philip Juico na persona non grata,’null & void’ at wala sa POC jurisdiction -PATAFA chairman

Tiniyak na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na hindi nila palalagpasin ang ginawang hakbang ng Philippine Olympics Committee kung saan kinatigan ang umano’y ‘harassment case’ na idinulog ni Olympian pole vaulter EJ Obiena laban sa kanilang presidente na si Philip Juico.

 

 

Ito’y mayroong kaugnayan sa POC ethics committee investigation findings na umano’y tahasang ginigipit ni Juico si EJ ukol sa sports funding liquadation dahilan na napatawan ng ‘persona non grata’ decision noong nakaraang linggo.

 

 

Sa panayam,inihayag ni PATAFA chairman at Deputy House Speaker Rep.Rufus Rodriguez ng segundo distrito ng Cagayan de Oro City na nakakatawa ang ginawa ng POC dahil nasa internal investigation pa lamang sana sila akusasyon ni Juico kontra Obiena subalit inaagahan ang persona non grata findings.

 

 

Sinabi ng kongresista na maituturing na walang silbi ang desisyon ng POC dahil hindi pa nga sila tapos intra-national sports association (NSA) isyu ay hinatulan na nila si Juico na pilit lang isalba ang pinagdududahang milyong halaga ng pondo na bigong ma-liquadate sa kampo ni Obiena.

 

 

Banggit ni Rodriguez na dahil null and void at wala sa hurisdiksyon ng POC ang kanilang ginawa ay maglalabas na ang PATAFA ng kanilang findings ukol sa budget issue na kinaharap ni EJ.

 

 

Magugunitang itinigil pa ng isang komitiba ng Kamara ang imbestigasyon ukol sa nabanggit na sigalot dahil sa apela ni Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez subalit nabigla ang PATAFA sa persona non grata issuance ni POC laban Juico.

 

 

Una nang pinagpaliwanag si EJ sa umano’y falsified liquadations ukol sa bayarin na P4.8 milyon para sana kanyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov dahil nagre-reklampo ito subalit mariing itinanggi at sa halip dumulog sa tanggapan ni POC chairman Abraham Tolentino.

Other News
  • Cruz may 3-year deal sa SMB

    PUMIRMA  si Jericho Cruz ng tatlong taong kontrata sa San Miguel Beer matapos mapaso ang kontrata nito sa NLEX Road Warriors noong Lunes.     Mainit na tinanggap si Cruz ng pamunuan ng Beermen sa pangunguna nina team governor Robert Non at team manager Gee Abanilla.     Kasama ni Cruz sa contract signing si […]

  • KELOT NALAMBAT SA P4.7M SHABU SA NAVOTAS

    ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo”, 31 ng RM 16 4th FLR, New […]

  • Susunod na lang ang ina at mga kaibigan: MICHELLE, mag-isang pupunta sa El Salvador para sa ‘2023 Miss Universe’

    ILANG araw na lang at lilipad na si Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee for El Salvador para sa 2023 Miss Universe pageant.       Bibit ni Michelle ang mga dasal na maiuwi niya ang Miss Universe crown para sa bansa.       Ilan sa mga Sparkle artists na nagpadala ng “good […]