• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdeklara ng holiday sa lungsod ng Maynila, kinokonsidera sa araw ng inagurasyon ni BBM – PNP

KINOKONSIDERA ng Philippine National Police (PNP) na magdeklara ng holiday sa lungsod ng Maynila sa araw ng inagurasyon ni President-Elect Bongbong Marcos Jr.

 

 

 

Subalit nilinaw ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa panayam ng Sonshine Radio na wala pa talagang klaro na desisyon hinggil dito.

 

 

 

“Isa rin po ‘yan sa mga inputs na napag-usapan durign the meetings para nga po sa paghahanda nitong inaguration but we don’t want to preempt po the inaugural committee pati na rin po ‘yung LGU kanina. But nonetheless, regardless po kung magkakaroon ng declaration ng no classes o tuloy-tuloy pa rin po ‘yung business as usual ay naka-prepare naman po ang PNP kasama po natin ang MMDA na mag-aayos po ng traffic control po diyaan sa area na ‘yan,” ani Fajardo.

 

 

 

Ang pagkokonsidera ng holiday sa araw ng inagurasyon ni BBM ay isang hakbang upang matiyak na hindi maging sanhi ito ng mabigat na trapiko o kaya’y pangangailangan ng mas mabigat na pagtutok sa seguridad.

 

 

 

Isasagawa naman sa June 30, 2022 ang inagurasyon ni BBM bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa National Museum of the Philippines sa Lungsod ng Manila.

Other News
  • “THE WANDERING EARTH II” IS A DREAM COME TRUE FOR HONG KONG MEGASTAR ANDY LAU

    THE box-office and critical success of the futuristic blockbuster “The Wandering Earth” has attracted big talents to join the follow-up film.       In “The Wandering Earth II,” a prequel to the 2019 hit, one of Hong Kong’s biggest artists, Andy Lau (“As Tears Go By,” “House of Flying Daggers,” “Infernal Affairs”), is playing […]

  • Bata Reyes dadayo sa Amerika

    Muling ilalabas ni le­gendary cue master Efren “Bata” Reyes ang mahika nito sa isang US tour na idaraos sa iba’t ibang bahagi ng Amerika.     Nakalinya na ang mga gagawin ni Reyes sa oras na tumuntong ito sa Amerika.     Una na ang pagdayo nito sa Red Dragon Billiards Club and Training Center […]

  • De Leon, Revilla magiging magkakampi na naman uli

    NAAATAT si Philippine Volleyball League (PVL) star Isabel Beatriz ‘Bea’ De Leon ng Choco Mucho Flying Titans na maging kasanggang muli ang kinikilala niyang ate-atehang iniidolo ang tumawid ng nasabing liga na si Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla na galling Philippine SuperLiga (PSL).     “Can’t wait to win a championship with you,” sambit ng 24 […]