Paggamit ng face shield, mananatiling boluntaryo sa mga lugar na nasa Alert Level 2 –Nograles
- Published on December 28, 2021
- by @peoplesbalita
MANANATILING boluntaryo ang paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 2 maliban na lamang sa mga ospital.
Ginawa ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang paglilinaw matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kailangang ipagpatuloy ng nga tao ang paggamit ng face shields sa gitna ng pagpasok ng Omicron variant ng coronavirus sa bansa.
“Under Alert Level 2, the mandatory use of a face shield is only for hospital settings. Those are our guidelines,” ayon kay Nograles.
“As to what the President said, it was only to remind people that the use of a face shield is voluntary to have an additional layer of protection,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, sinabi ng World Health Organization (WHO) na wala ng pangangailangan para imandato ang pagsusuot ng face shield sa gitna ng pagsulpot ng Omicron variant.
“The virus is airborne, transferred via close contact transmission. What is important is observing social distancing, wearing face mask and hygiene,” ayon kay WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe.
“As long as these minimum public health protocols are complied with and we ensure that people do not congregate in closed settings…face shields, at this point, are not mandatory because we are still looking at and understanding the transmission dynamics of the Omicron variant,” dagdag na pahayag ni Abeyasinghe.
Sa ulat, kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang tatlong kaso ng Omicron variant sa gitna ng pagbaba ng bilang ng bagong COVID-19 cases sa bansa.
Nito lamang Disyembre 21, nakapagtala ang Pilipinas ng 168 bagong COVID-19 cases, pinakamababa sa daily count sa loob ng isangbtaon at pitong buwan.
Inilagay naman ng gobyerno ang buong bansa sa ilalim ng Alert Level 2 para sa buong buwan ng Disyembre.
Sa ilalim ng Alert Level 2 — ang second lowest sa bagong alert level system — ilang establisimyento at aktibidad ang pinapayagan ng 50% capacity indoors para sa fully vaccinated adults (at menor de edad at maging hindi bakunado), at 70% capacity outdoors. (Daris Jose)
-
‘Di nila pipigilan ni Vic kung ‘yun ang gusto ng anak: PAULEEN, magiging stage mother ‘pag tuluyan nang nag-artista si TALI
SA presscon ng show nila sa NET25 na Love, Bosleng and Tali ay winika ni Bossing Vic Sotto na dapat daw siya lang ang kasama sa show nang pag-usapan nila ito ni Direk Chris Martinez. Na-delay lang daw ang pagsisimula nito dahil sa pandemic pero nung mag-usap ni Direk Chris ay isama na […]
-
Grab driver, 1 pa kulong sa P136K shabu sa Valenzuela
DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang grab driver ang nakuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Vhal […]
-
DOTr: Humihingi ng P164 B pondo para sa proyekto sa railways
Humihingi ang Department of Transportation (DOTr) sa Mababang Kapulungan ng pamahalaan ng pondong nagkakahalaga ng P164 billion para sa construction at maintenance ng pitong (7) rail lines sa Metro Manila sa taong 2024. Nakalagay sa 2024 National Expenditure Program ng pamahalaan, ang DOTr ay humihing sa Mababang Kapulungan ng kabuohang budget na […]