Paggamit ng public resources para sa personal interest, paglabag sa Code of Conduct
- Published on February 26, 2022
- by @peoplesbalita
PAGLABAG sa Code of Conduct of Public Officials and Employees ang paggamit ng mga awtoridad sa government resources para sa kanilang personal interest.
“Ang tanong dyan, pwede bang gamitin ang resources ng ating pamahalaan when clearly, this was a private function that was involved? In my opinion, that is not and should not be allowed,” ayon kay human rights lawyer Chel Diokno.
“It would be a violation of the code of conduct of public officers as well as other laws that make those other actions violations of the law,” dagdag na pahayag nito.
Tinukoy ni Diokno ang nangyaring pagbagsak ng Philippine National Police chopper sa Real, Quezon, araw ng Lunes dahil di umano’y papunta ito sa Balesin island para sunduin si PNP chief Dionardo Carlos. Isang police personnel ang namatay habang dalawa naman ang sugatan sa insidente.
Inamin naman ni Carlos na nagpunta siya ng upscale island resort noong weekend at nakatakdang bumalik ng lungsod subalit kailangan na mag-request ng flight matapos na may “unforeseen circumstances” sa inisyal na na-booked na private transport.
Iginiit ni Carlos na ang direktiba ay naaayon sa PNP rules.
Ayon sa Section 4 ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, “government officials and employees shall always uphold the public interest over and above personal interest.”
“All government resources and powers of their respective offices must be employed and used efficiently, effectively, honestly and economically, particularly to avoid wastage in public funds and revenues,” dagdag nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Golden State Warriors tinanghal na kampeon muli sa NBA matapos makuha ang Game 6 vs Boston Celtics
MULING kinilalang world champions ang Golden State Warriors matapos na tapusin ang best-of-seven series ng NBA Finals sa 4-2 record. Makasaysayan ang ginawa ng Warriors nang makuha ang panalo sa Game 6 doon mismo sa homecourt ng Boston sa score na 103-90 sa harap ng mahigit sa 19,000 fans. Ito na ang ikaapat na […]
-
COA, pinuna ang DOH sa ₱3B na hindi nagamit na COVID-19 response funds
PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi nagamit na ₱3-billion unobligated funds para sa pangagasiwa sana at pagtugon sa COVID-19 pandemic noong 2022. “Of the ₱3.055-billion unobligated funds, ₱2.414 billion lapsed and was reverted to the Bureau of Treasury,” ayon sa komisyon. Ang lapsed […]
-
P340K shabu nasamsam sa 2 HVI drug suspects sa Valenzuela
MAHIGIT P.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong mga suspek na sina alyas Emmon, 27, ng Brgy., Veinte […]