• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghahanap sa 14 Pinoy sa OccMin boat collision, patuloy pa rin

Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard o PCG sa mga nawawalang mangingisda at pasahero ng isang fishing boat sa Occidental Mindoro.

 

Katuwang ngayon ng PCG sa paghahanap ang tauhan ng Philippine Navy at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR maging ang Bureau of Fire Protection o BFP ay tumulong na rin sa operasyon.

 

Ayon kay Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, malakas ang alon pero base aniya sa ground commander ay kaya-kaya namang magsagawa ng SAR.

 

Linggo ng madaling araw nang makabanggaan ng Liberty 5 ang MV Vienna Wood sa Occidental Mindoro.

 

Umaasa naman ang PCG na may makikita pa ring survivor kaya nagpapatuloy pa ang kanilang operasyon.

Other News
  • Ads May 3, 2021

  • Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumaba pa sa 0.50 – OCTA

    BUMABA pa sa 0.50 ang reproduction number o hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).     Ayon sa OCTA Research group, mas bumaba pa ito sa 0.63   reproduction number noong Miyerkules sa rehiyon.     Ang reproduction number na mababa sa bilang na 1 ay nagsasaad na ang hawaan ng COVID-19 ay bumababa […]

  • First time na magkasama sa isang project: DONNY, naging dahilan para pumayag bumalik sa pelikula si MARICEL

    MAGKASAMA sa unang pagkakataon sa isang proyekto ang mag-ina na sina Maricel Laxa at Donny Pangilinan.  Sa pelikulang ‘GG’ (Good Game) ng Mediaworks Inc., Cignal Entertainment at Create Cinema. Piling-pili lang ang mga proyektong tinatanggap at ginagawa ni Maricel.  At nang matanong nga ito sa naging mediacon ng GG, ang mga anak ang itinurong dahilan kung […]