Paghahanap sa 14 Pinoy sa OccMin boat collision, patuloy pa rin
- Published on July 3, 2020
- by @peoplesbalita
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard o PCG sa mga nawawalang mangingisda at pasahero ng isang fishing boat sa Occidental Mindoro.
Katuwang ngayon ng PCG sa paghahanap ang tauhan ng Philippine Navy at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR maging ang Bureau of Fire Protection o BFP ay tumulong na rin sa operasyon.
Ayon kay Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, malakas ang alon pero base aniya sa ground commander ay kaya-kaya namang magsagawa ng SAR.
Linggo ng madaling araw nang makabanggaan ng Liberty 5 ang MV Vienna Wood sa Occidental Mindoro.
Umaasa naman ang PCG na may makikita pa ring survivor kaya nagpapatuloy pa ang kanilang operasyon.
-
LGUs sa NCR nagkasundo na magtulungan na bakunahan ang residente ng bawat isa
NAPAGKASUNDUAN ng local government units sa National Capital Region (NCR) na magtulungan sa pagbabakuna ng mga residente ng bawat isa. Sa virtual press briefing ni Presidentia spokespeerson Harry Roque, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na kailangan lamang na ang COVID-19 vaccine recipients ay magtakda muna ng kanyang iskedyul at […]
-
GINA, interesadong mag-audition sa hinahanap na Filipino lola para sa isang ‘Disney’ movie
NAG–ANNOUNCE ang Walt Disney Company na naghahanap sila ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng Disney movie, kaya narito ngayong sa bansa ang casting team. Kaya naman ang award-winning Filipino actress, si Ms. Gina Pareno, ay nag-post sa Twitter account niya na interesado siyang mag-audition for the said role. Tweet […]
-
Malaking karangalan na i-celebrate ang achievements niya: Fil-Am singer na si H.E.R., cover girl ng VOGUE Philippines
ANG Grammy and Oscar winning Filipino-American singer na si H.E.R. ang cover ng VOGUE Philippines para sa buwan na ito. Isang malaking karangalan kay H.E.R. (Gabriella Sarmiento Wilson in real life) ang maging cover girl ng naturang magazine na sine-celebrate ang kanyang mga naging achievements sa larangan ng musika. […]