• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghahanda sa posibleng pag-alburoto ng Bulkang Taal, hinuhusto na ng DILG at lokal na pamahalaan

NGAYON pa lamang ay hinuhusto o kino-kompleto na ng lokal na pamahalaan sa tulong ng DILG, PNP at Bureau of Fire Protection ang paghahanda sa mga munisipyo at siyudad na nakapalibot sa Bulkang Taal.

 

Ito ang iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

“Nais ko munang simulan ang aking ulat sa pagbabahagi sa lahat ng paghahandang ginagawa ng ating mga LGUs sa mga lugar na apektado ng pagligalig ng Bulkang Taal pati na ang mga kalapit na LGUs na maaaring maapektuhan sakaling tuluyang pumutok muli ang bulkan,” ayon sa Kalihim.

 

Ayon aniya sa pinakahuling anunsyo ng PHIVOLCS, nananatili sa Alert 3 Level or Alert Level 3 ang bulkan.

 

Habang patuloy aniya ang aktibidad ng bulkan ay umabot na sa 4,363 pamilya ang ngayon ay apektado at kasalukuyang mino-monitor ng LGUs sakaling magbago ang kalagayan ng bulkan.

 

Samantala, 30 evacuation centers na na nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan ng Batangas at Cavite ang nangangalaga sa  mahigit 1,000 pamilya o higit 4, 000 indibidwal na ngayon ay mga nasa evacuation centers  at sinisigurado aniya ng lokal na pamahalaan na  masusunod ang minimum health and safety protocols sa mga pasilidad upang mapanatiling ligtas sa COVID ang lahat ng personnel at evacuees.

 

Sinabi pa rin ni Año na patuloy ang pagtalaga ng PNP ng kanilang mga tauhan gaya ng search and rescue teams at health protocols.

 

Ang enforcement teams aniya ay naka-standby.

 

“Reactionary standby support teams na nandoon mismo sa area kung sakaling tuluyang pumutok ang bulkan. Mayroon din po tayong 700 fire trucks, 14 rescue trucks, 21 ambulance, seven watercraft at about 1,072 firemen na nakatalaga para magligtas kung sakaling pumutok ang bulkan,” ang pag-uulat ni Año. (Daris Jose)

Other News
  • PISTON maglulunsad ng 3-day “tigil pasada”

    NAG-ANUNSYO ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na maglulunsad sila ng 3-day “tigil pasada” upang tutulan ang pagpapatupad ng PUV consolidation na may deadline sa Dec. 31.       Itinakda ng PISTON ang darating na strike simula sa November 20 kung saan nila pinahayag sa isang […]

  • Tokyo Olympics hindi apektado sa ipinatupad na travel ban ng US

    Hindi apektado ang gagawing Tokyo Olympics sa travel ban na ipinatupad ng US dahil sa pangambang pagtaas ng kaso ng COVID-10.     Sinabi ni Japanese government Katsunobu Kato na walang pagbabagong ipapatupad ang organizers ng Tokyo Olympics.     Alam nila na suportado ng US ang pagsasagawa ng Olympics at Paralympic Games.     […]

  • Netizens, tinag pa si Kim para subukang mag-react: Photo nina BARBIE at XIAN na kuha sa isang hotel, ginawan ng malisya

    NAG-VIRAL ang photo nina Barbie Imperial at Xian Lim na kuha sa lobby ng isang hotel sa Davao Oriental dahil nilagyan ito ng malisya ng ilang netizens.     Una itong lumabas sa Facebook post ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental noong Linggo, May 15 at may caption ito na, “Thank you so much, […]