• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghaharap nina Covington at Masvidal itinakda na sa Marso 6

INANUNSIYO ng Ultimate Fighting Champion (UFC) ang nalalapit na paghaharap ng dalawang kilalang pangalan sa mixed martial arts.

 

 

Ayon sa UFC na kanilang inaayos na ang laban ni UFC interim welterweight champion Colby Covington laban kay fan-favorite Jorge Masvidal.

 

 

Gaganapin ang UFC 272 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA sa Marso 6.

 

 

Dating malapit na magkaibigan ang dalawa hanggang nagsimulang magbato ng mga masasakit na salita si Masvidal kay Covington.

 

 

Si Covington na mayroong record na 16 na panalo at tatlong talo ay kagagaling sa panalo laban kay UFC welterweight world champion Kamaru Usman noong Nobyembre sa pamamagitan ng unamimous decision.

 

 

Habang si Masvidal ay dumanas ng makasunod na pagkatalo laban kay Usman na ang huli ay ang reel-knockout main event sa UFC 261 noong Abril 2021 sa Vystar Veterans Memorial Arena sa Florida, USA.

Other News
  • Ads August 5, 2023

  • Pabuya para maaresto ang pumaslang kay Percy Lapid pumalo na sa P6.5-M

    PUMALO  na sa P6.5 milyon ang nakalaang pabuya sa pag-aresto sa pumatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.     Inanunsiyo kasi ni House Speaker Martin Romualdez na nag-ambag ang mga kongresista at umabot ito ng P5 milyon.     Magugunitang unang nagbigay ng P1-milyon na pabuya ang kaibigan ng pamilya habang mayroong P500,000 ang […]

  • Ginang na wanted sa pagtay sa asawa, timbog sa Valenzuela police

    LAGLAG sa selda ang 39-anyos na ginang na nasa likod umano ng pagpatay sa kanyang asawang Pakistani nang matunton ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.     Sa kanyang ulat kay NPD OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong akusado na si alyas […]