Paghihigpit sa protocol ‘di na kailangan – health expert
- Published on May 18, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI na kailangang higpitan ang pagpapairal ng protocol laban sa COVID-19 kahit na may paglitaw ng bagong Omicron subvariant sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, wala namang indikasyon sa ngayon na tataas ang kaso ng COVID na maaaring maging banta sa kalusugan ng maraming mamamayan.
“Sa ngayon, ang nakikita naman natin, hindi umaakyat ‘yung cases, okay naman ‘yung health care capacity, I don’t think kailangan maghigpit. Sa ngayon, minimal o low risk naman ‘yung health care utilization rate natin so I don’t think there’s any reason na maghihigpit tayo,” pahayag ni Salvaña.
Mas mainam anya ay ang palagiang pagsunod ng publiko sa health standards tulad ng pagsusuot ng mask, pagpapabakuna kontra COVID, social distancing, at malinis na pangangatawan.
“The numbers remain manageable and even if the numbers increase, dahil sa antas ng pagbabakuna, ‘yung number of people developing severe and critical disease remain low. Hindi na talaga tayo babalik doon sa nagla-lockdown tayo,” dagdag ni Salvana.
Bigyang diin din nito na kahit na tamaan ng virus ang mga hindi bakunado ay mayroon namang mga gamot ngayon na maaaring maging panlunas sa sakit. (Daris Jose)
-
Jade Bornea hahamon sa IBF junior bantamweight
AALAMIN ang isang purse bid para sa world title fight nina International Boxing Federation junior bantamweight champion Fernando Martinez at challenger Jade Bornea para sa mandatory title bout ng Argentinian ngayong taon. Si Martinez ang humablot ng IBF titleng kababayang Pinoy ni Bornea na si Jerwin Ancajas via unanimous decision sa sa Estados Unidos […]
-
Administrasyong Marcos, kumpiyansang maibababa ang poverty rate sa 9% sa taong 2028
KUMPIYANSA ang administrasyong Marcos na maibababa nito ang poverty rate sa 9% sa taong 2028. Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang 9% goal sa taong 2028 ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagpapalago sa “higher level, “enhancing the quality of growth through the creation of quality jobs and […]
-
10 FILMS TO CATCH ON HBO THIS OCTOBER 2020
WHICH of these films are you putting on your watch lists? Love films, but don’t know which ones are showing at a certain time? We got you covered! We’re giving you a rundown of some of this months must catch films on HBO if you’ve been wanting to plan your movie nights ahead of […]