• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghina ng piso vs dolyar malaking epekto sa presyuhan ng oil products – DOE

MULING  binigyang diin ng Department of Energy (DOE) na nakatali ang kamay ng gobyerno at walang magawa sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kada linggo.

 

 

Ginawa ni Atty Rino Abad, director ng Department of Energy-Oil Management Bureau, ang paliwanag sa Bombo Radyo dahil sa nakaamba na namang pagtaas sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

 

 

Habang ang krudo naman at kerosina ay merong oil price rollback sa pagitan ng P2 hanggang P3 kada litro.

 

 

Paliwanag ni Atty Abad, kaya hindi ganon kalaki ang rollback ay sumabay naman daw ang pagsadsad din ng halaga ng piso kontra dolyar na malaki rin ang apekto sa presyuhan ng krudo na inaangkat ng Pilipinas sa international market.

 

 

Nadagdag pa raw dito ang wala pa ring tigil na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Bagama’t ang Pilipinas ay hindi naman kumukuha ng suplay ng langis sa Europa at sa Russia pero tatlo hanggang apat na porsyento sa world supply ang nawawala.

 

 

Ang araw-araw daw na produksyon ng Russia ay nasa pagitan ng limang milyon hanggang pitong milyong bariles kada araw at nasa tatlong milyon ang hindi nailalabas dahil sa economic sanctions.

 

 

Kaugnay nito, ang mga European countries ay kumukuha na rin sa Middle East ng langis kung saan doon nag-aangkat naman ng suplay ang Pilipinas.

 

 

Nangangahulugan ito na lumipat na rin ang European countries sa pag-angkat ng ng langis doon sa inventory ng global storage facility.

 

 

Samantala, ipinayo naman ni Abad lalo na sa mga pampublikong sasakyan at iba pang pribadong sasakyan na tangkilikin muna ang mga gas stations na nagpapatupad ng P2 hanggang P4 na discount. (Daris Jose)

Other News
  • DFA, pinasalamatan ang Qatar, Israel at Egypt sa pagpapalaya sa bihag ng Hamas

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga gobyerno ng Qatar, Israel at Egypt para sa kanilang pagsisikap na nagdulot ng pagpapalaya sa isa pang Pilipino.     Pinasalamatan ng DFA ang Estado ng Qatar sa pamamagitan ng pag-uusap na humantong sa pagpapalaya kay Noralin Babadilla, na nasa bihag ng Hamas sa […]

  • “DUNE: PART TWO” TRAILER TAKES AUDIENCES BACK TO THE DESERT

    LONG live the fighters. The saga continues as award-winning filmmaker Denis Villeneuve embarks on the epic adventure “Dune: Part Two,” the next chapter of Frank Herbert’s celebrated novel “Dune.” The highly anticipated follow-up to 2021’s six-time Oscar-winning “Dune,” from Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures, opens in Philippine cinemas November 1, 2023. Watch the trailer: https://www.youtube.com/watch?v=ekp7Lah6TL4 […]

  • PNP: Online scammers kakalat ngayong Kapaskuhan

    PINAG-IINGAT ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa mga online transactions na posibleng samantalahin ng mga scammer habang papalapit ang Pasko.       Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, inaasahan na ang paggamit ng online transactions ngayong holiday season kaya nakatutok ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) upang naiwasan at mapigilan ito. […]