Paghuhubad sa maskara sa mga communist-terrorists, bahagi ng ‘sacred duty”
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
PINAGTANGGOL ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang sarili nito mula sa panawagan ni Justice secretary Menardo Guevarra na iwasan na ang red-tagging nang walang konkretong ebidensiya.
Ang buwelta ni NTF- ELCAC spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy sa pahayag na ito ni Guevarra ay ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho na hubaran ng maskara ang mga “terorista”.
“At the NTF-ELCAC, we view it as our sacred duty to arm our countrymen with information and strip the masks off these terrorists who lie to steal our children away from us, who have murdered scores of our indigenous peoples and have damned the poorest among us,” ayon kay Badoy.
“Where they create confusion with their lies, we create clarity with the truth. Where they are loud and bold about their toxic lies, we are louder and bolder about the truth,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, hinikayat ni Guevarra ang NTF-ELCAC na ihinto na ang pang-rered tag nito o ang ginagawa nilang pang-uugnay sa isang indibidwal o grupo sa mga makakaliwang rebelde.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ng kalihim na hindi nito suportado ang ginagawa ng NTF-ELCAC na pagli-link ng mga personalidad sa mga armadong komunista.
Aniya, hindi raw ito dapat ang polisiya ng task force na binuo ng gobyerno.
Giit ni Guevarra, kung wala namang ebidensya na susuporta sa kanilang red-tagging ay mas maiging ‘wag na lang silang magsalita.
Nalalagay daw kasi sa panganib ang buhay ng mga taong ito lalo na’t nagiging target sila kahit na nagbibigay lang naman sila ng opinyon laban sa gobyerno.
Iginiit ni Guevarra na hangga’t maaari, imbes na i-label ang mga tao ay maghain na lang ng karampatang legal na aksyon basta’t mayroon itong ebidensya’t patunay na may kaugnayan talaga sila sa mga rebelde.
Para naman kay Badoy, hindi dapat mahiya ang gobyerno na tawagin ang mga sinasabing ” communist fronts” bilang terror groups.
“What has grievously endangered our people is all those decades government reneged on its sacred duty, looked the other way and refused to identify members of the CPP NPA NDF–even if they already knew who these terrorists were,” ayon kay Badoy.
Sa hiwalay na kalatas, sinang-ayunana naman ng NTF-ELCAC Legal Cluster ang paalala ni Guevarra subalit iginiit na ang “red-tagging” o pagbabansag sa mga tao bilang komunista ay ginagamit lamang ng communists groups bilang depensa.
“We are happy to inform the SOJ that the NTF-ELCAC has been doing that for the past years. Cases were filed against the CPP-NPA-NDF members, leaders, and allied front groups. The NTF-ELCAC takes the advice of the SOJ (Secretary of Justice) seriously and obediently,” ayon sa NTF-ELCAC Legal Cluster.
“If there is one thing that the SOJ and the NTF-ELCAC have in common, we both believe that there is no such thing as red-tagging, contrary to what the propaganda machinery and the propaganda template of the CPP-NPA-NDF would like to pitch to the Filipino people,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
CHED, gumawa ng aksyon laban sa Caloocan college na kontra sa phase-out order sa 5 programa
HINIKAYAT ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga apektadong estudyante ng St. Vincent De Ferrer College of Camarin (SVDFCC) sa Caloocan City na makipag-ugnayan sa National Capital Region (NCR) office para sa ‘guidance at assistance.’ Ito’y matapos na i-post ng CHED, kasama ang local government ng Caloocan ang notices sa […]
-
Sony Announces Brad Pitt’s Action Movie ‘Bullet Train’ Release Date
SONY has announced that Brad Pitt‘s new action movie Bullet Train will pull into the station on April 8, 2022 — and yes, the star-studded film will play in IMAX theaters and other large premium formats. David Leitch directed the high-octane movie, which follows a group of assassins on a train in Tokyo. Pitt stars […]
-
DepEd: Karamihan sa mga magulang, pinili ang modular learning para sa kanilang anak sa pasukan
Papalo sa halos 9-milyong mga magulang ang may gusto sa modular instruction bilang alternatibong learning modality para sa kanilang mga anak para sa darating na pasukan sa Agosto 24. Batay sa resulta ng mga nakalap ng Department of Education (DepEd) na datos mula sa Learner Enrollment and Survey Form (LESF) survey, lumabas na nasa […]