Pagiging incompetent ng pamahalaan, pinalagan ng WHO rep
- Published on April 8, 2021
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ni WHO Philippines Representative Dr Rabindra Abeyasinghe ang ulat na ang pagsirit ng bilang COVID-19 cases nitong Marso ay bunsod ng walang kakayahan ng pamahalaan na tugunan ito.
Giit ni Abeyasinghe na hindi lang ang Pilipinas ang nakararanas ng pagtaas ng kaso ng Covid 19 kundi maging ang ibang bansa ay nakararanas ngayon ng pagtaas ng infections, dahilan aniya para magpatupad din ang mga ito ng restriksyon.
“I would want to reiterate the fact that the Philippines is not unique in seeing an increase, and this increase is not attributed in any way to incompetence,” ani Abeyasinghe.
At nang tanungin naman si Abeyasinghe ni presidential spokesperson Harry Roque kung ang pagtaas ng kaso ng Covid 19 ay dahil sa pagpapakita ng “government incompetence” ay kaagad namang sumagot si Abeyasinghe ng “Of course, that does not take away from the fact that we need to continue to invest and works towards strengthening our preparedness and response capacities on the ground.”
Aniya, ang surge o pagdagsa ng bilang ng kaso ng covid 19 ay dahil sa nadagdagan ang transmissibility ng coronavirus dahil sa new variants, at pagiging pabaya na ng mga tao sa pagsunod sa health protocols, at “optimism of the arrival and gradual rollout of vaccines.”
Bilang tugon, kaagad namang isinailalim ng pamahalaan ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — o mas kilala bilang NCR Plus — sa enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na pinakamahigpit na uri ng lockdown, simula Marso 29 hanggang Abril 4 para limitahan ang galaw ng mga tao at makatulong na mapigilan ang paghawa ng coronavirus.
Hindi naman nagtagal ay pinalawig ito ng pamahalaan ng hanggang Abril 11.
“WHO has for many months been talking of the need for a coordinated response,” ang pahayag ni Abeyasinghe.
“Not just a response that is coordinated across member states or countries but also within countries, between different provincial, regional, district government authorities so that there are coordinated response activities that are conducted in a well-coordinated manner so that we can get on top of this increased transmission we are seeing now in the Philippines,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Nagpakita ng kahusayan sa ‘Pulang Araw’… CASSY, pinupuri ng netizens sa pagganap bilang young BARBIE
PINURI ng netizens ang gumanap na batang Barbie Forteza sa epic-serye ng GMA na ‘Pulang Araw’ na si Cassy Lavarias. Bukod daw kasi sa hawig nito si Barbie, nagpakita rin ng husay sa pag-arte ang 11-year old child actress sa unang episode pa lang. Na-capture nga raw nito ang character ni […]
-
OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas
OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas kung saan kinilala si San Jose bilang city patron at protector. Nakiisa naman si Congressman Toby Tiangco, kasama ang kanyang asawa na si Michelle kay Bishop David sa paglalahad ng […]
-
Wala pang time na ma-in love uli: CARLA, madalas mahilo at himatayin dahil sa heart conditions
IT’S sad to know na sa kabila ng pagiging masayahin ni Carla Abellana ay may mga heart conditions pala siya. Biro niya sa isang interview, “best friend ko na ang cardiologist ko. May “tachcardia” ako which means my heart is beating faster than normal. “Meron din akong neurocardiogeneric syncope na nahihirapang […]