• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkaka-aresto sa drug pusher sa San Miguel, Manila pinuri ni PBBM

PINURI ng Malakanyang ang mga awtoridad sa pagkaka-aresto sa pinaghihinalaang drug pusher sa isang residential area sa Malacañang Complex sa San Miguel, Maynila.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang pagkaka-aresto sa drug pusher ay sumasalamin sa walang tigil at matatag na pagpapasa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at kanyang administrasyon na walisin ang ilegal na droga.

 

 

Sa ulat, isang lalaki na umano’y sangkot sa pagbebenta ng shabu at pagmamantine ng drug den sa loob ng Malacañang complex sa Maynila ang ­naaresto ng National Burea of Investigation – Dangerous Drugs Division (NBI-DDD).

 

 

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang nahuling suspek na si Edgar Ventura, alyas Face na naaresto sa ikinasang operasyon ng NBI sa San Miguel, Maynila.

 

 

Ang pagkakahuli sa suspek ay batay sa impormasyon na nakalap ng NBI hinggil sa illegal transaction sa naturang lugar.

 

 

Sa tulong ng Presidential Security Group (PSG) at sa pakiki­pag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at local police ay naisagawa ang paghuli sa suspek sa bisa ng Warrant of arrest na naipalabas ng Manila RTC branch 37.

 

 

Nang mahuli, nakumpiska mula dito ang 9 na plastic sachet ng hinihinalang illegal drugs, iba’t ibang drug paraphernalia na nai- turn over na sa NBI-Forensic Chemistry Division para masuri.

 

 

Nakatakda namang kasuhan ito ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

 

 

Samantala, nanawagan naman si Bersamin sa mga law enforcement agencies na patuloy na tugisin ang kasabwat ng suspek, umapela rin si Bersamin sa publiko na makipagtulungan sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

 

 

“Let it be known: no corner of this land, no matter how remote or concealed, will serve as a refuge for the producers and distributors of these lethal substances,” ang sinabi ni Bersamin.

 

 

“The full, unforgiving weight of the law will always descend upon them,” aniya pa rin. ( Daris Jose)

Other News
  • Ads June 8, 2021

  • Malakanyang, ipinaubaya na sa mga botante ang pagpili sa party-list

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa mga botanteng filipino ang pagpili ng napupusuan ng mga ito party-list group in the May 2022 polls.     “The public has the freedom to choose and elect leaders whom they believe will serve national interest and public welfare,” ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar.   […]

  • Inalis na P3.8 billion sa health facilities enhancement fund, ibalik

    PINABABALIK  ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto ang tinanggal na P3.8 billion sa health facilities enhancement fund at gamitin ito para sa medical specialty centers law.     Ang apela ay ginawa ng mambabatas matapos lagdaan ni Pangulong Marcos ang batas na magtatayo ng mga Specialty Centers sa mga piling DOH hospitals.   […]